TNT at Maya nagsanib pwersa para sa ‘TNT Alkansya’
Kamakailan, nakipagsanib pwersa ang TNT sa Maya para ilunsad ang ‘TNT Alkansya,’ isang programa na magbibigay ng instant cashback sa mga TNT subscribers at maaari itong maipon at mapalaki sa Maya app.
Sa pamamagitan ng programang ito, hinihikayat ng TNT at Maya na makapag-ipon ang kanilang mga subscribers. Dagdag pa nito ang pagkakaroon ng access sa Maya app at sa mga services nito.
Binibigyan ng ‘TNT Alkansya’ program ang mga users ng 1% cashback at dagdag na 1% interes sa Maya Savings sa bawat Php 100 na pagbili ng TNT promos gamit ang Maya app.
Sa Maya app, makakabili ang TNT subscribers ng kahit anong TNT promo, kasama na ang SurfSaya, Tiktok Saya, at Giga offers. Makakatanggap sila ng instant 1% cashback sa kanilang Maya Wallet (na may interest rate na hanggang 15% kada taon), at dagdag na 1% sa kanilang savings.
“Excited kami na makipag sanib pwersa sa Maya para sa paglunsad ng TNT Alkansya, isang programa na makakapagsulong ng pag-iipon sa aming mga subscribers,” ani Alex Caeg, head ng Smart Consumer Wireless Business.
“Sa pamamagitan ng ‘TNT Alkansya,’ gusto naming hikayatin ang maraming Pilipino na matutong mag-ipon. Dahil kung may ipon, may saya at ginhawa sa kinabukasan. Lahat ng TNT subscribers ay maaari ng gamitin ang ‘TNT Alkansya’ simula Agosto 1,” sabi ni Lloyd Manaloto, head ng Prepaid and Content sa Smart.
“Masaya kami na makipagsosyo sa TNT sa pamamagitan ng TNT Alkansya. Itong program na ito ay isa sa aming mga proyekto para mabigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na guminhawa ang buhay sa pamamagitan ng tamang pamamalakad ng kanilang pananalapi,” ani naman ni Angelo Madrid, presidente ng Maya Bank.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa ‘TNT Alkansya,’ bumisita sa https://smrt.ph/tntalkansyax. Maaaring i-download ang Maya app sa Google Play Store o Apple App Store.
ADVT.
This article is brought to you by TNT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.