The Clash champion Jeremiah Tiangco muling lalaban sa TNT Grand Resbak

Jeremiah Tiangco
SHOOKT ang fans and supporters ng Kapuso singer at “The Clash” champion na si Jeremiah Tiangco nang muli siyang sumali sa “Tawag Ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.”
Ang feeling nila, pinababa ni Jeremiah ang kanyang status sa ordinaryong contestant mula sa pagiging grand winner sa reality singing competition ng GMA 7
Pero depensa ng binata na regular na napapanood sa “All-Out Sundays” ng Kapuso Network, para sa kanya hindi isang ordinaryong contest ang “TNT” kundi isang napakalaking platform para sa mga singer tulad niya.
At in fairness, puro bigatin din ang makakalaban ni Jeremiah sa “TNT All Star Grand Resbakan 2025” dahil puro palabang alumni ng kumpetisyon ang napili para sa naturang edisyon.
Muling magtatapatan sa entablado ang 48 contenders mula sa iba’t ibang season ng “TNT” at isa na nga riyan si Jeremiah.
Sa mga hindi pa nakakaalam, sa “TNT” rin nagsimula ang binata bago siya magkampeon sa “The Clash” ng Kapuso Network.
View this post on Instagram
“‘Yung pagkatalo ko po dito sa TNT, ‘yung huling laban ko which is kay Kuya Sofronio (Vasquez), paos ako, so ang dami kong unfinished business,” pagbabalik-tanaw niya.
Dugtong pa niya, “So ‘yung preparation ko po since bata pa lamang ako, hindi pa ako matured enough para sumabak sa competition na iyon.
“Masasabi ko ngayon naging parang sobrang naturo sa akin na maging mature pa po para sumabak pa sa mga competition,” saad ng Kapuso artist.
Feeling ni Jeremiah hindi magiging madali ang magaganap na bakbakan para sa bagong edisyon ng “TNT” pero aniya, mas nabawasan na raw ang nararamdaman niyang pressure kumpara noong 2016.
Sabi pa ni Jeremiah, iba pa rin ang magiging labanan sa “Tawag ng Tanghalan” ngayon kumpara sa pagkapanalo niya sa “The Clash.”
“Kasi uulitin ko po, parang back to zero po ito. Knowing na ganito ang mga kasabayan ko dapat hindi ka relax, hindi ka kalmado sa mga pwedeng mangyari.
“Feeling ko hindi talaga siya advantage kasi lahat dito magagaling. Mula sa mga bata hanggang sa pinaka matanda na nasa dulo,” aniya pa.
Nagsimula na last Monday ang “Tawag ng Tanghalan: All Star Grand Resbakan 2025” kasana ang mga huradong sina Ogie Alcasid, Karylle, Jed Madela, Louie Ocampo, Pops Fernandez at Lani Misalucha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.