Mayor Zamora nagsalita sa chikang dyowa ng anak niya si Daniel

Francis Zamora sa chikang dyowa na ng anak niya si Daniel: Hindi totoo!

Ervin Santiago - August 01, 2024 - 11:46 AM

Francis Zamora sa chikang dyowa na ng anak niya si Daniel: Hindi totoo!

Francis Zamora, Amanda Zamora, Daniel Padilla, KC Montero at Dr. Joel Lopez

MARIING itinanggi ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang naglabasang chika na magdyowa na ang anak niyang si Amanda Zamora at Daniel Padilla.

Ito’y matapos mag-viral ang isang video kung saan makikitang magkasama umano si Amanda na isang Star Magic artist at si Daniel na namamasyal sa mall.

Nakachikahan ng BANDERA si Mayor Zamora kahapon, July 31, sa launching ng CHARM By Dr. Joel Lopez MD na matatagpuan sa Greenhills Shopping Mall sa San Juan. Isa siya sa mga naging guest of honor sa naturang event.

Baka Bet Mo: Jopay Paguia, Joshua Zamora 2 beses naghiwalay bago nagpakasal, humingi ng sign kay Lord kung dapat magbalikan

“Ang aking anak ay nali-link kay Daniel Padilla so bilang isang ama, gusto kong sabihin sa inyong lahat na hindi po totoo yan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Amanda Zamora (@amandaazamora)


“My daughter has been single all her life, sa totoo lang. Kahit hindi kayo maniwala, alam ko yan. She’s 23 years old. She’s now focused on her studies,” simulang paglilinaw ng alkalde.

“In fact nasa America siya ngayon sapagkat sa September ay magsisimula na siya sa kanyang masters in Marketing Intelligence. Yan ay sa Fordham University.

“So pagka-graduate niya nu’ng early part of this year from De la Salle University, nag-aral siya sa UCLA ng isang program in finance at sa September ay magsisimula na ang kaniyang masters. So hindi po totoo yun.

“In fact, alam ko na nili-link nga siya ng ibang mga tao. Pero bilang isang ama, ako na ang magsasabi na hindi totoo yan. So kung meron mang mga taong nagsasabi na anak ko yan, ako na nagsasabi na hindi yan totoo,” esplika niya.

Baka Bet Mo: Kilalang male TV host bulol pa ring mag-Tagalog, feeling super galing

Malapit si Mayor Francis sa pamilya ni Daniel, in fact, siya nga ang nag-officiate sa kasal ng kapatid ng aktor na si JC at sa asawa nito kamakailan lamang sa mismong opisina niya sa San Juan City Hall.

“Actually, hindi naman lingid sa inyong kaalaman na napapag-usapan na din lately at in fact, nasasama nga siya sa mga comments. So may mga comments about it at umaabot din sa akin yan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J Castles (@jcastles_)


“Ako na rin nagsasabi talaga, si Daniel is a good friend. Kaibigan ko siya. Ang kanyang pamilya kaibigan ko. Tumayo rin akong ninong ni JC nu’ng siya ay kinasal. At si Karla ay matalik kong kaibigan.

“Si Amanda, my daughter, and si Daniel are not linked in any way. Hindi sila. Kumbaga, wala pong katotohanan yan,” pagdedenay pa ni Mayor Zamora.

Patuloy pa niya, “Ang mag-friends talaga, ako at si Daniel. Amanda has always been just a fan nu’ng bata pa siya. In fact, I remember, sinasamahan ko si Amanda pag may mga events si Daniel nung batang bata pa si Amanda nu’n.

“In fact, naalala ko pa nu’ng sinamahan ko siya nu’n, it was an Oishi event a long, long time ago. Probably she was maybe 14, 15 years old back then. Magkakilala lang siguro sila in a way na dahil kaibigan ko si Daniel at anak ko si Amanda,” paliwanag uli ng alkalde.

Certified NBSB o no boyfriend since birth ang kanyang anak, “Si Amanda has been single all her life. So totoo yan. I’m surprised, as her father, that at her age now, single pa rin siya.

“Kasi very independent minded and marami siyang gustong gawin sa buhay. Kung naalala ninyo, yung one and only major exposure niya sa showbiz maybe then was through Pinoy Big Brother.

“Tapos after that, nagkaroon siya ng movie, yung ‘Connected’ under Star Magic. So after that ay medyo nag-lay low na rin siya. It’s because she’s focusing on her studies. Gusto niya kasi na magkaroon ng isang career sa marketing kaya nga siya nag-aral sa ibang bansa. And I’m proud of my daughter.

“And again, as she decided to remain single, I respect that kasi mas gusto ko rin na makatapos siya ng masters niya. Kasi kung ano man ang gusto niyang tahakin pagkatapos ng kanyang pag-aaral.

“Iba rin na nakapagtapos siya ng higher education such as Masters in Marketing Intelligence in a very prestigious university which is Fordham University na kilalang kilala sa buong mundo,” ani Mayor Francis na kasosyo ni Daniel at ng iba pang celebrities sa District 8 bar and resto sa Greenhills.

“I’m aware that there are some showbiz personalities who are trying to link them together. Hindi po totoo yan. Wala pong katotohanan yan at kung meron mang nagsi-circulate na pictures, trying to make it appear as if sila, ako na ang nagsasabi na hindi totoo.

“Si Daniel Padilla ay kaibigan ko since 2017 at nagbukas nga kami ng negosyo dito sa Greenhills, yung District 8 na up to now naman ay bukas pa rin. We remain good friends.

“That’s why I was very honored na ako ang napili ng kanilang pamilya na mamuno ng kasal ni JC at kinuha rin akong ninong. Si Karla Estrada ay matalik na kaibigan, of course si Daniel kaibigan ko natin. Ang kaibigan ni Amanda si Magui sa totoo lang. Si Magui ang kaibigan niya,” paglilinaw ng alkalde.

At sa tanong kung boto ba siya kay DJ sakaling manligaw sa kanyang anak, “Hindi naman kasi alam n’yo, kung alam naman nating hindi totoo, kumbaga hindi na para pagtuunan pa ng pansin.

“Kasi alam naman namin na hindi totoo. And I know because if it were true, which I’m telling you it’s not, I would have somehow been involved in talking to both of them or to Daniel. Pero hindi talaga, eh.

“Actually hindi ko nakikitang mangyayari yun (manligaw) kasi baka merong ibang mga focus din si Daniel ngayon. Di ba meron nga siyang bagong business at hindi ko rin naman siya tinatanong tungkol sa love life niya.

“But again, I’d like to share that when we opened District 8, sila pa ni Kathryn (Bernardo) nu’n. So Kathryn was part of the opening of District 8 and in many instances ay nakasama rin namin siya at mabait siya at naging maayos naman yung mga panahon na kami’y nagsama.

“Again, whatever Daniel chooses in his life, I’m sure yan naman ay base sa kanyang desisyon,” ang chika pa ng tatay ni Amanda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joel Lopez (@jlopezmdcns)


Samantala, maaari n’yo nang bisitahin ang CHARM By Dr. Joel Lopez MD sa South Wing Atrium, Greenhills Shopping Mall sa San Juan, malapit sa food court. Napakarami nilang services na ino-offer na siguradong swak na swak sa inyong pangangailangan at budget.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“CHARM stands for Center for Healthy Aging and Regenerative Medicine. We are dedicated to helping you embrace the beauty of healthy aging and regenerative medicine. Out approach combines the art of aesthetic enhancement with the science of rejuvenation,” ang pahayag ni Dr. Joel sa kanilang grand launch kahapon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending