Michael Flores, Joshua Zamora faithful nga ba sa mga asawa?
BONGGA ang mga rebelasyon ng mga actor-dancer na sina Michael Flores at Joshua Zamora nang sabay silang bumisita sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes.
Napag-usapan ang pagsisimula nila noon bilang mga miyembro ng iconic dance group na The Manoeuvres at hanggang sa kung paano sila tuluyang napadpad sa mundo ng showbiz.
Ayon kay Michael, sobrang tutol daw talaga ng tatay niya sa desisyon niyang sumali sa isang dance group, lalo na ang pagpasok niya sa larangan ng pag-arte.
Baka Bet Mo: Toni Fowler ‘nadismaya’ sa birthday gift ng dyowa na si Vince Flores, bakit kaya?
“Noong nalaman nila na magiging member kami ng Manoeuvres, ayaw ng dad ko talaga. Strict ang dad ko.
View this post on Instagram
“Even noong naging artista ako, noong naging part na ako ng T.G.I.S (dating youth-oriented show ng GMA 7), ayaw niya talaga.
“Sabi ng tatay ko, ‘Hindi kita pinag-aral sa ganitong eskwelahan’, para lang maging dancer!’ Di ba, parang sa pelikula lang,” pahayag ni Michael.
Nagbago naman daw ang isip ng kanyang tatay nang makitang masaya at nag-eenjoy siya sa kanyang mga ginagawa bilang artista. Natuwa rin daw ang ama nang natuto siyang maging independent.
Baka Bet Mo: Boy Abunda pag-aari ang ‘Fast Talk’ kaya nagamit sa GMA; unang pasabog ang interview kina Marian, Bea, Alden at Paolo
Natanong naman si Joshua tungkol sa pagiging member ng The Manoeuvres at dito nga niya naikuwento kung paano sila nag-evolve at naging solid bilang performer.
Napakalaki at napakarami raw nilang natutunan talaga nang madalas na makasama ang The Manoeuvres sa mga concert at TV performance ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
“Isang malaking tulong, grabe! The humility, ‘yung work ethic. I think, for me, para sa akin, na-adapt ko ‘yon kasi iba talaga (si Gary V),” pahayag ni Joshua.
View this post on Instagram
Dugtong naman ni Michael, “Saka ‘yung pagiging professional kasi ni Sir Gary. At saka nagbibigay siya lagi ng mga advice sa amin. Hindi lang about dancing pero, kundi about life.”
At kung may isang bagay daw silang natutunan mula kay Gary bilang tao at artist, yan ay walang iba kundi ang pagiging mapagpakumbaba.
“Kahit na nasaan kayo sa buhay, kung nandito kayo, just be humble,” sey ni Michael.
Nadako rin ang chikahan sa pagiging asawa nina Michael at Joshua at ang isa sa mga naitanong ni Tito Boy ay kung paano sila nananatiling faithful sa kanilang mga wifey.
Tugon ni Michael na mahigit dalawang dekada nang kasal sa beauty queen-actress na si Nina Ricci Alagao, “I’ve been married for almost 21 years. Wala naman perfect na marriage pero it’s how you go with the flow, how you handle the relationship. Hindi naman kayo laging magkakasundo, e.”
Sunod na tanong ng King of Talk, “Pero fidelity is always an issue. Paano n’yo sinisiguro na bumabalik kayo doon sa core?”
Si Joshua naman ang sumagot na matagal na ring kasal kay SexBomb Jopay Paguia, “I’m grateful dahil pareho kami ng field na pinagtatrabahuhan ni misis.
“So mas malawak ‘yung nagkakaintindihan kami. So when it comes to ‘yung sa fanbase, sa work namin,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.