Sassa Gurl umamin: As baklang kanal, palaaway talaga 'ko!

Sassa Gurl umamin: As baklang kanal, palaaway talaga ‘ko!

Ervin Santiago - July 31, 2024 - 08:44 AM

Sassa Gurl umamin: As baklang kanal talaga, palaaway talaga 'ko!

Sassa Gurl

BAGO sumikat bilang content creator at social media influencer, nagtrabaho muna si Sassa Gurl sa corporate world.

Naging call center agent siya sa isang kumpanya ilang taon na ngayon ang nakararaan at nagtrabaho rin siya sa marketing.

Pero talagang ang passion at ang puso niya ay nasa mundo ng entertainment kaya gumawa siya ng paraan para makilala sa social media hanggang sa makilala na nga siya bilang si Sassa Gurl.

Baka Bet Mo: Alice Dixson nilinaw na buhay pa ang nanay ni Sassa: Ayoko naman angkinin ang credit sa pagpapalaki ng kanyang anak

Sa episode ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, naibahagi niya kung paano siya nagsimulang mag-work sa call center at sa marketing pero dumating yung araw na kailangang i-push niya ang totoong pangarap niya sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sassa Gurl (@itssassagurl)


“Like, alam ko ‘yung passion ko talaga. Sabi ko nga, ito talaga ‘yung bet ko, ‘yung entertainment talaga. Sabi ko, kailangan magpapansin (ako),” chika ng vlogger na nag-aartista na rin ngayon.

Sabi pa ng content creator, nakaranas din siya ng hindi maganda habang nagtatrabaho sa corporate world kaya mas lalo siyang nagsikap na ma-penetrate ang entertainment.

Pagbabahagi ni Sassa Gurl, ang unang naging target niya ay ang makabili ng  cellphone na gagamitin niya sa paggawa ng mga content.

“Nu’ng nagkaroon na ako ng cellphone sa pagtatrabaho, ang ginawa ko, habang nagtatrabaho, nag-content-content ako,” pag-alala niya.

Baka Bet Mo: ‘Banta’ ni Sassa Gurl: Kabahan na kayo Barbie at Jak dahil ako na ang ibinabalita ng GMA! Lagot!

Kaya naman, super thankful and grateful siya sa nabiling cellphone dahil ito ang naging daan para matupad niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Marami-rami rin siyang nagawang content sa naturang cellphone na eventually ay naging daan din para mapansin siya bilang vlogger hanggang sa dumami na nang dumami ang subscribers niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sassa Gurl (@itssassagurl)


Nang tanungin naman si Sassa kung ano ang pinaka-favorite o unforgettable content na ginawa niya, umamin siyang hindi na niya naaalala kadalasan ang laman ng vlog niya.

“Ako, actually, ang eksena ko kasi, in the moment lang talaga ako, kumbaga, parang what happens now, happens now. So kadalasan talaga, nakakalimutan ko na ‘yung mga content ko.

“Pero alam mo, in its entirety, ‘yung entirety ng content ko, sabi ko parang ang pinaka-bet ko kasi, ‘yung kunyari may inaaway ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi as a baklang kanal talaga, palaaway talaga ako. Ngayon hindi na pwedeng mang-away kasi alam mo naman, issue nanaman ‘yan kung mang-away ka,” chika ni Sassa Gurl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending