Showbiz couple balak layasan ang showbiz, sa ibang bansa titira

Showbiz couple balak layasan ang showbiz, sa ibang bansa na titira

Reggee Bonoan - July 29, 2024 - 12:14 PM

Showbiz couple balak layasan ang showbiz, sa ibang bansa na titira

MARAMI-RAMI na rin pala ang nakakaalam na may planonang tumira sa ibang bansa ang mag-asawang sikat na aktor at aktres na parehong may karera rito sa Pilipinas.

Kuwento ng aming source, “Si girl maraming offers kaso medyo picky siya kaya may ilang projects na hindi natutuloy.

“Si aktor may career din pero hindi ganu’n kalaki ang kita niya kumpara sa asawang aktres,” ayon sa aming source.

Ilang beses na palang nagpunta sa bansang planong maging permanenteng tirahan ng mag-asawa kasama ang kanilang mga anak at gustong-gusto nga raw nila sa nasabing lugar.

Baka Bet Mo: Dimples Romana pangarap talagang maging doktor, bakit nga ba hindi natuloy?

“Ang ganda ng paligid, sarap ng simoy ng hangin saka palangiti rin ang mga taong nakatira roon,” sabi pa sa amin.

Kuwento ng aming kaibigan tungkol sa bansang planong tirhan ng mag-asawa kasama ang mga anak, “Open kasi ngayon doon sa mga gustong mag-work at doon na nais mag-settle at maraming Pinoy na doon.”

“Gusto ng bagong environment ng mag-asawa at doon na nila palalakihin ang mga anak nila,” diin pa ng aming kausap.

Sa pagkakaalam namin ay maraming ipon ang mag-asawa kaya kahit hindi tumanggap ng projects ang girl at ang guy ay mabubuhay naman sila nang maayos pero siyempre kung puro palabas ay mauubos din ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending