#SerbisyoBandera: Holdaper arestado sa tulong ng BJMP San Juan
NAHULI at naaresto sa Maynila ang isang holdaper sa tulong ng ilang kawani ng San Juan City Jail-Male Dormitory.
Ayon sa report ng BJMP, binabaybay nina JO1 Lhenry Resurreccion Advincula at JO1 Kenneth Megallon ang kahabaan ng Recto Avenue corner Rizal Avenue bandang 2:30 ng hapon, July 25, nang bigla silang pinara ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer upang humingi ng tulong ukol sa lumapit na biktima ng panghoholdap.
Baka Bet Mo: Paalala ng Immigration sa lahat ng biyahero: Ihanda na ang lahat na kailangang dokumento
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng nasabing piitan upang masiguro ang matagumpay na pagdakip sa suspek ng naturang insidente.
Nagtangka pa umanong tumakas ang holdaper kaya agad siyang pinosasan ni JO1 Advincula at isinailalim sa “body search” para tiyakin na wala itong dalang anumang mapanganib na armas.
Pagkatapos niyan ay mabilis na silang nakipag-ugnayan sa mga kapulisan ng PNP PCP Doroteo Jose.
Doon iniulat ng dalawang BJMP San Juan personnel at isang MTPB enforcer ang insidente at matagumpay nilang na-turn over ang nahuling suspek para sa karagdagang aksyon.
Kudos kila JO1 Advincula at JO1 Megallon dahil sa mabilis at epektibo nilang pagtugon!
Ang kanilang dedikasyon at agarang aksyon ay malaking tulong upang matiyak ang kaligtasan ng biktima at ng komunidad ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.