Mayor Francis Zamora ‘aprub’ tawaging ‘City of the Stars’ ang San Juan?
NAG-REACT si San Juan City Mayor Francis Zamora nang tanungin siya na baka isang araw ay tawagin na ring City of the Stars ang kanyang lugar.
Ito ay dahil ang ilang venue sa San Juan ay pinagdarausan ng concerts o shows, bukod pa sa marami ring kilalang showbiz personalities ang nakatira sa kanyang nasasakupan.
Ang ganda ng tawa ng butihing ama ng lungsod, “I’m flattered of what you did mention. Kami naman po ay napagkatiwalaan ng aming mamayan maglingkod at naniniwala naman po ako na sa loob ng limang taong mayor ay naging maayos naman po ang ating pamamalakad, lalo napo nu’ng pandemic ay number one po tayo sa vaccination at isa po tayo sa masasabing nakabangon kaagad pagkatapos ng pandemya at tayo rin po ang may pinakamababang crime volume sa Metro Manila kaya nga po maraming negosyong nagbubukas.”
At sa bawa’t pagbubukas ng mga negosyo sa nasabing lungsod ay laging naka-suporta si Mayor Francis dahil talagang dinadaluhan niya ito bilang isa sa guest katulad sa pagbubukas ng bagong clinic ni Dr. Joel Lopez, MD na CHARM Age with Confidence Clinic sa lower ground floor ng Greenhills Mall nitong Miyerkoles, Hulyo 31.
Bukod kay mayor Francis ay naroon din ang Vice Mayor niyang si Angelo Agcaoili at ang kilalang showbiz personalities na sina Cory Quirino, Carmi Martin, Kata Inocencio at hosts naman sina KC Montero at Valerie Tan.
Baka Bet Mo: Mayor Francis Zamora sa viral photo nina Amanda, Daniel: ‘Baka ibang tao o AI’
Hindi naman nakarating sina John Arcilla base sa kuwento ni Dr. Lopez at si Ms Korina Sanchez-Roxas na gusto ring makita ang clinic nito.
Samantala, marami raw tsinek si Dr. Joel para sa pagtatayuan niya ng first CHARM clinic niya sa Metro Manila at ang Greenhills ang nakita niyang magandang puwesto at laging maraming tao.
Ang ibang branches ng CHARM ay San Fernando, La Union at sa Amerika at ang kilalang Hollywood actor ang endorser niya sa US, si Channing Tatum!
Sa local celebrities naman dito sa Pinas ay suki niya sina Mark Rivera, Pinky Webb, Cheryl Cosim bukod pa kina Korina at John.
Ang ibig sabihin ng CHARM ay Center for Healthy Aging and Regenerative Medicine.
“We are dedicated to helping you embrace the beauty of healthy aging and regenerative medicine. Our approach combines the art of aesthetic enhancement with the science of rejuvenation.”
Ipinakita rin ni Dr. Lopez ang OligoScan sa publiko. Ito ay isang rebolusyonaryong pamamaraan ng pagsubok ng mineral status at potensyal na mabigat na metal toxicity. Nagsalita din siya tungkol sa malusog na pagtanda, pamumuhay ng iyong pinakamahusay na buhay habang ikaw ay tumatanda.
Ito ay sumasaklaw sa pagpapanatili ng pisikal, mental, at emosyonal na kagalingan habang umaangkop sa mga natural na pagbabago na nangyayari sa edad.
“Our team of experts understands the unique needs and desires of individuals who wish to age gracefully, and we offer personalized solutions to help you look and feel your best at every stage of life.”
Tinalakay din niya ang regenerative medicine, na isang cutting-edge field na ginagamit ang natural healing ability ng katawan upang maibalik at muling buuin ang mga nasirang tissue.
“We aim to optimize your body’s regenerative potential, by leveraging innovative treatments and techniques. Whether you seek to improve the appearance of your skin, enhance joint function, promote overall wellness, our regenerative medicine services can help unlock you body’s innate ability to heal and rejuvenate,” paliwanag ni Dr. Joel Lopez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.