Mayor Francis sa viral photo nina Amanda, Daniel: 'Baka iba o AI'

Mayor Francis Zamora sa viral photo nina Amanda, Daniel: ‘Baka ibang tao o AI’

Reggee Bonoan - August 03, 2024 - 10:03 AM

Mayor Francis Zamora sa viral photo nina Amanda, Daniel: 'Baka ibang tao o AI'

Amanda Zamora, Mayor Francis Zamora, Daniel Padilla

“BILANG isang ama, gusto ko pong sabihin sa inyong lahat na hindi po totoo ‘yan, my daughter has been single all her life. Sa totoo lang, kahit hindi po kayo maniwala, alam ko ho ‘yan,” ito ang paniniguro ni San Juan City Mayor Francis Zamora tungkol sa panganay at nag-iisa niyang anak na babae na si Amanda Zamora.

Si Amanda, 23 anyos ang tinutukoy na umano’y bagong karelasyon ni Daniel Padilla at kami ang nagsabi kay Mayor Francis na maraming nakakakita sa dalawa sa malls at nakukuhanan pa ng mga larawan at videos na nagsi-circulate ngayon sa social media.

“San po sila magkasama? (inulit naming viral ang photos). Well, definitely hindi ko po anak ‘yun, si Amanda has been single all her life,” diing sabi ulit ni Mayor Francis.

Dagdag pa, “In fact I’m surprise now as a father na single pa rin siya kasi very ano siya, very independent minded and marami siyang gustong gawin sa buhay.”

Nabanggit pa na ang unang exposure ni Amanda sa showbiz ay noong sumali siya sa Pinoy Big Brother Connect (PBB Connect) noong 2020 at sa ika-95th day ng reality show ay na-evict ang only daughter ni Mayor Francis sa Bahay ni Kuya.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla may bago nang dyowa, ‘Amanda’ raw ang pangalan?

Nagkaroon daw ng movie project na “Connected” mula sa Star Magic kasama ang kapwa-PBB alumni at pagkatapos ay huminto na dahil mas binigyan na ni Amanda ng panahon ang kanyang pag-aaral.

Sa kasalukuyan ay nasa Amerika raw ang dalaga, “She’s now focus on her studies dahil sa September po ay magsisimula na siya sa kanyang Masters in Marketing Intelligence, gusto niya kasing magkaroon ng career sa marketing kaya siya mag-aaral sa ibang bansa, sa Fordham (University- New York City).”

“I’m proud with my daughter as she decides to remain single kasi mas gusto ko ring makatapos siya ng masters niya kasi kung anuman ang gusto niyang tahakin iba na rin kasi nakapagtapos siya in a higher education in Fordham University na kilalang-kilala sa buong mundo,” ani pa ng alkalde.

Balik-tanong namin kay San Juan mayor kung may planong sundan ang yapak niya sa politika.

“Mas gusto po niyang pumasok sa field of Marketing and I respect her decision as a father. ‘Yung pagpasok niya noon sa showbiz ay ginusto niya at hindi namin siya pinilit,” sagot ng proud dad ni Amanda.

“BILANG isang ama, gusto ko pong sabihin sa inyong lahat na hindi po totoo ‘yan, my daughter has been single all her life. Sa totoo lang, kahit hindi po kayo maniwala, alam ko ho ‘yan,” ito ang paniniguro ni San Juan City Mayor Francis Zamora tungkol sa panganay at nag-iisa niyang anak na babae na si Amanda Zamora.

Open daw ang anak niya sa ama at kinukuwento ang mga ganap nito sa buhay kasama ang lovelife at sa ikatlong pagkakataon ay muling binanggit ni Mayor Francis na hindi pa nagkakaroon ng dyowa ang anak.

“Matatawa po kayo talaga na never siyang nagka-boyfriend talaga and to set the record straight hindi po si Amanda at si Daniel Padilla,” sabi ulit ni Mayor Francis.

Nabanggit ding hindi close sina Daniel at Amanda kaya malabo ang tsikang may namamagitan sa dalawa.

Sabi pa ng Ama ng San Juan, “Ang kaibigan po ni Amanda ay si Magui (Magui Ford Planas).”

Tinanong kung sakaling manligaw nga si Daniel kay Amanda ay natawa lang si Mayor Francis dahil hindi raw niya nakikitang mangyayari iyon dahil mukhang may ibang focus naman daw ang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya ang hirit naming tanong ay kung ‘Pare-Pare o barkada’ ang samahan nina Daniel at Amanda.

“No, not at all! Actually hindi ko alam ang scope ng mga lumalabas na balita ano ba, malling? hindi po totoo ‘yun!  Baka ibang tao po ‘yun na napagkamalan lang or baka artificial intelligence,” napangiting sabi ni Mayor Francis nang makausap namin sa launching ng Charm by Dr. Joel Lopez MD, Center for Healthy Aging and Regenerative Medicine sa Greenhills Mall.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending