Jolina, Aubrey, Mariel ‘beast mode’ sa scammer: ‘Hoy! Tumigil ka nga!’

Jolina, Aubrey, Mariel ‘beast mode’ sa scammer: ‘Hoy! Tumigil ka nga!’

Jolina Magdangal, Aubrey Miles, Mariel Padilla

INGAT, ingat mga ka-BANDERA –lalo na sa panahon ng sakuna kung saan marami ang nangangalap ng donasyon at tulong.

Ito rin kasi ‘yung panahon na naglalabasan ang mga masasamang loob upang pagsamantalahin ang pagkakataon na makapanloko ng maraming tao.

Kagaya na lamang ng ilang artista na ibinandera ang ilang scammer na ginagamit pa ang kanilang pangalan upang makakuha ng pera.

Ang TV host at batikang aktres na si Jolina Magdangal, ibinahagi sa Instagram ang ilang screenshots na nagkunwaring siya at minessage ang ilan niyang mga kaibigan gamit ang ibang number.

Mababasa sa message na nanghihingi ito ng “funds” para raw sa mga biktima ng Typhoon Carina.

Baka Bet Mo: Aubrey inakusahang ‘epal at spoiler’ dahil sa finale ng ‘Queen of Tears’

“Pupunta kami ng husband ko and Melai sa Marikina to help,” ang nakalagay pa sa mensahe ng suspek.

Babala ni Jolina sa caption, “SCAMMER!!! PLEASE SA LAHAT PO NG NAKATANGGAP O MAKAKATANGGAP NG MESSAGE FROM ME NA GANITO, HINDI PO AKO YAN!”

Nilinaw rin niya na hindi niya number ang 09564808804 at nakiusap pa ang aktres na: “PLEASE WAG KAYO MAG-SEND NG PERA.”

Kasunod niyan ay may post din si Jolina na ginamit din daw ang pangalan ng aktres at environmentalist na si Antoinette Taus.

“I guess isang tao lang yung gumamit ng name ni Antoinette at name ko. ‘Yung number kung saan pinap-asend ni scammer ay ‘yung number na ginamit sa name ko. May dalawang sim si scammer, 09564808807 at 09564808804,” wika ni Jolina.

Aniya pa, “Hindi na ako magtataka kung hindi lang dalawa ang sim na binili niya para MAKAPANLOKO!!! [angry emoji]”

May post din si Aubrey Miles na ipinapakita rin ang screenshot ng mensahe ng isang scammer.

Halos pareho lang sa ipinakita ni Jolina na nanghihingi rin ng pera para sa mga apektado ng bagyo.

“BEWARE!! This is NOT ME. Poser/ Scammer asking for help. HOY tumigil ka nga! Dami ng problema sa pilipinas nakikisali ka pa eh,” sambit ni Aubrey na tila nanggigil.

Baka Bet Mo: ’12 Scam of Christmas’: Paano iiwasan ang mga sindikato ngayong Pasko?

Babala pa niya sa manloloko, “Alam mong madali ka naming mahahanap, kaya ngayon palang maghanap ka ng trabaho! Wag manloko at wag tatamad tamad.”

Ang mga numero na ginamit daw nito ay: 09564808845 at 09304500726

Katulad kina Jolina at Aubrey, natuklasan ng celebrity mom na si Mariel Padilla na ginamit din ng scammer ang kanyang identity.

In-expose din niya sa social media ang ginamit na number ng scammer.

Lahad niya, “Someone is using my name and scamming people. I am not asking for any donations please beware!!”

Kasunod niyan ay nagpaabot pa siya ng mensahe sa manloloko, “Using donations and other people’s misfortune for your greed, laziness to work and all other despicable aspects will be your first class ticket to hell.”

“Ang karma hindi mo man directly maramdaman pero babalik at babalik ‘yan sayo at sa pamilya mo. Itigil mo ‘yan! Itigil mo kagaguhan mo! Magtrabaho ka ng marangal,” aniya pa.

PHOTO: Instagram Stories/@marieltpadilla

Magugunita na dahil sa hagupit ni Bagyong Carina kamakailan lang, maraming lugar ang nakaranas ng matinding baha.

Read more...