’12 Scam of Christmas’: Paano iiwasan ang mga sindikato ngayong Pasko?
NA-SCAM ka na ba? O, nabiktima at nabudol ng mga sindikatong naglipana ngayon lalo na sa social media at iba pang online platforms?
Inaasahang mas dadami pa ang mga manloloko ngayong holiday season, hindi lang sa lovelife kundi maging sa usaping pera at kung anu-ano pang karaketan.
Siguradong nagkalat na ngayon ang mga scammer kung saan-saan kaya kailangang mag-ingat tayong lahat nang bonggang-bongga para hindi mabiktima ng mga walanghiyang kawatan.
At dahil ilang araw na lang ay Pasko na, naglabas ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at ang advocacy group ma Scam Watch Pilipinas ng ilang tips para makaiwas sa iba’t ibang uri ng modus o scam.
Tinawag nila itong “12 Scams of Christmas” kung saan nakalista nga ang mga potential scam ngayong holiday season.
Baka Bet Mo: Willie tinawag na scammer ng bagong-panganak na ginang: Sige scam pa! Manloko ka pa!
Ayon kay CICC Executive Director Usec. Alexander Ramos, inaasahan nila ngayon ang pagtaas ng mga scam dahil mas marami rin magsa-shopping online para bumili ng mga regalo, tulad ng damit, sapatos, pagkain at iba pang kagamitan para sa Pasko at Bagong Taon.
Narito ang kailangan n’yong tandaan at iwasan sa “12 Scams of Christmas”.
1. Fake shipping and delivery notifications
2. Fake online charity scams
3. Fake shopping websites
4. Fake online sellers
5. Free trial scams
6. Fake Christmas gift card scams
7. Tech support scams
8. Crypto investment scams
9. Fake relative/friend scams
10. Dating/Love scams
11. Foreign exchange investment scams
12. Loan scams
Paalala ng otoridad, huwag basta-basta maniniwala sa mga ino-offer na deals o discounts sa ilang internet sites.
Ilan sa mga red flags na dapat n’yong tutukan ay ang mga sumusunod: “very low price, seller or other persons immediately asking for money, unknown links on the site, among others.”
“Huwag magmadali pumindot. Basahin mabuti. Kung in doubt, i-scan ninyo, kaya nga may Google,” ayon kay CICC Executive Director Usec. Ramos.
Makipag-transact lang sa mga legitimate shopping apps na naka-register sa kaukulang ahensiya ng pamahalaan.
Baka Bet Mo: Gabby Eigenmann ginamit ng scammer para makagetsing ng P10k; Rocco Nacino muntik nang mabiktima
Aniya pa, kung minsan talaga ay hindi maiiwasang mahikayat ang isang buyer dahil sa mga inaalok na deal, “Tinanong sila alam mo ba na scam, oo. Bakit mo pa rin pinindot? Nagbabakasakali eh, sayang rin kung totoo, makaka-save ako.”
Ang advice naman ni Scam Watch Pilipinas co-lead convenor Jocel De Guzman, “Just follow the 5 rules of magdamot, magduda, mag-snub, magsumbong at maghanda. Because behavioral lang, nothing beats prevention.”
Kaya naman sa lahat ng mga kababayan natin all over the universe, huwag basta-basta magpapalinlang sa mga nakakasilaw na offer sa mga online stores at iba pang social media platforms.
Dahil kapag too good to be true na ang inaalok sa inyo, malamang sa malamang SCAM yan! Sabi nga ng matatanda, palaging nasa huli ang pagsisisi!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.