Gabby Eigenmann ginamit ng scammer para makagetsing ng P10k; Rocco Nacino muntik nang mabiktima
Rocco Nacino at Gabby Eigenmann
KUNG hindi naging alerto at wais ang Kapuso actor na si Rocco Nacino ay baka nabiktima na rin siya ng mga scammer sa social media.
Ibinuking ng aktor ang modus ng isang sindikato sa socmed na nanghiram sa kanya ng pera gamit ang pangalan ng kaibigan at kapwa Kapusp artist na si Gabby Eigenmann.
Kasabay nga nito ang warning ni Gabby sa publiko na mag-ingat sa mga naglipanang scammer na nagpapakilalang siya at nangungutang ng pera.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Gabby na may gumagamit sa kanyang pangalan at mga litrato sa messaging app na Telegram at isa nga raw sa tinawagan nito ay si Rocco.
Ipinost ni Gabby ang screenshot ng naging usapan ng aktor at ng scammer na nagpanggap na siya.
Humihiram ang scammer ng P10,000 kay Rocco at nangakong ibabalik din daw kinagabihan dahil “down” lang ang kanyang bangko. Humingi rin ng pasensya ang nagpanggap na si Gabby sa aktor.
Ayon naman kay Rocco, itse-check muna niya sa bangko kung may pondo pa siya. Sey ng scammer ma okay daw kung ipadadala na lang niya sa GCash ang P10,000.
Pahayag pa ni Gabby, buti na lang daw at tinawagan siya ni Rocco para kumpirmahin kung siya ba talaga ang kanyang ka-chat sa Telegram.
“Got a call from my friend @nacinorocco, asking if I was the one messaging him on telegram.. sad to say there’s this person using my name and profile pic asking for money,” ang caption ni Gabby sa ipinost niya sa IG.
View this post on Instagram
Kasunod nito, pinaalalahanan nga niya ang publiko na huwag magpapabiktima sa mga scammer, “Pls do not entertain any messages from this person pretending to be me. Kung sino ka man tigilin mo na ang pangloloko sa mga tao, mas doble ang balik sa karma.”
Sa comments section ng IG post ni Gabby ay sumagot naman si Rocco, “Whew buti na lang tinawagan muna kita @gabbyeigenmann!!”
Aniya pa, “Be safe everyone!!! Triple check kung totoo mga kumakausap sa inyo lalo na kapag may pera na involved!”
Samantala, may mga netizens naman ang nag-effort para ma-trace ang identity ng scammer. Base sa mga nabasa naming comments, “Sabina M” ang pangalan ng kumontak kay Gabby base sa GCash account na ginamit nito.
https://bandera.inquirer.net/281573/rocco-ibinuking-ang-reaksyon-ng-asawa-nang-sabihing-makakatrabaho-uli-si-lovi
https://bandera.inquirer.net/293876/rocco-walang-isyu-kay-derek-umaming-natakot-gawin-ang-to-have-and-to-hold
https://bandera.inquirer.net/293394/carla-ibinuking-si-rocco-grabe-yung-pressure-sa-kanya-pero-napanindigan-niya-yun
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.