TV5 opisyal nang sinalubong ang Kapaskuhan sa Red Ball Lighting

‘Hatid-Saya ang Paskong Kapatid’ ng TV5 pinailaw na sa Red Ball Lighting

Ervin Santiago - October 15, 2024 - 01:00 AM

'Hatid-Saya ang Paskong Kapatid' ng TV5 pinailaw na sa Red Ball Lighting

Ang cast members ng ‘Ang Himala ni Niño’

SA isang makulay na selebrasyon, opisyal nang sinalubong ng TV5 ang kapaskuhan sa pamamagitan ng pag-ilaw sa iconic Red Ball ng Kapatid Network noong Biyernes, October 4, sa TV5 Media Center, Mandaluyong.

Ang Christmas Red Ball Lighting Ceremony ay isa nang yearly tradition ng TV5 na naglalayong maghatid ng masaya at makahulugang pagdiriwang ng Pasko para sa sa lahat.

Mula sa tema ng selebrasyon ng nakaraang taon na “Feel na Feel ang Paskong Kapatid,” ang tema ngayong taon na “Hatid-Saya ang Paskong Kapatid” ay dala ang mensahe ng Paskong puno ng pag-asa at pagtulong sa kapwa, at ang paghahatid-saya sa mga Kapatid saan man sila sa mundo.

Baka Bet Mo:Tree of Hope’ bidang-bida sa ‘Love Together, Hope Together’ 2021 Christmas station ID ng GMA

“We believe in spreading joy and warmth during the holiday season, and that is what our Hatid-Saya campaign is all about. It reflects our commitment to bring people together in celebrating and sharing the spirit of Christmas in meaningful ways.

“Kasama kami ng bawat pamilyang Pilipino na maghahatid ng saya, pag-asa, at pagmamahal sa isa’t isa ngayong Kapaskuhan,” pahayag ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

Napalamutian ang event venue ng iba’t ibang makukulay na branded parol tampok ang mga logo ng loyal na advertisers ng TV5, habang humahalo naman sa simoy ng hangin ang amoy ng bagong lutong bibingka at puto-bungbong na talaga namang nagpadama ng Paskong Pilipino sa mga nakisaya sa selebrasyon.

Nagtanghal din ang 2023 Grand Winner ng Tinig ng Pasko Chorale Competition mula sa University of Asia and the Pacific (UA&P) ng kanilang rendition ng mga awiting “Joy to the World”, “Veni, Emmanuel!”, “Kumukutikutitap,” “Christmas in Our Hearts,” at “Maligayang Pasko.”

Baka Bet Mo: Jose Mari Chan may paalala ngayong Pasko: ‘Find joy in the everyday!’

Mas lalo pang nakadagdag sa excitement ang pagdalo ng cast ng bagong TV5 series na “Ang Himala ni Niño” na sina Achilles Ador, Ryrie Sofia, at Zion Cruz – ang mga bibong child stars na kabilang sa stable of talents ng MQuest Artists Agency (MQAA) ng MQuest Ventures.

Ang Red Ball Lighting Ceremony ay isang paanyaya ng TV5 na makiisa sa “Hatid-Saya” movement na naglalayong magpalaganap ng kabutihang loob, pagmamahal, at pagtulong sa mga nangangailangan.

Ang liwanag ng Red Ball ay magsisilbing ilaw ng pag-asa na maghihikayat sa mga Pilipino na magtulungan para sa mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makibahagi sa sayang hatid ng Paskong Kapatid! Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.tv5.com.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending