Jose Mari Chan may paalala ngayong Pasko: ‘Find joy in the everyday!’
TUWING sasapit ang Kapaskuhan, madalas natin marinig ang Christmas songs ng iconic singer na si Jose Mari Chan.
Sa katunayan nga ay naging constant figure na siya sa mga ganitong panahon kaya tinagurian siyang “Father of Filipino Christmas Songs.”
At dahil nga diyan, may paalala ngayon si Jose Mari sa publiko.
Ayon sa kanya, kailangan natin makita o mahanap ang mga magbibigay saya sa araw-araw natin, hindi lang tuwing Pasko.
“With so much negativity around us, so much war and violence, we have to find joy in the everyday,” mensahe ng iconic singer sa isang “meet-and-greet” event kamakailan lang.
Paliwanag pa niya, “Whether you find joy with your parents, or with your children, with your loved ones, find joy in the everyday.”
Baka Bet Mo: Jose Mari Chan ayaw sa titulong ‘Father of Filipino Christmas Songs, mas OK daw tawaging ‘Chan-ta-Claus’
Para sa mga hindi masyadong aware, ito mismo ang mensahe ng kanyang bagong Christmas single in collaboration with the OPM band na Ben&Ben.
“I find joy in looking for things that I can give to my children or to my friends. So, do the same,” sambit pa niya.
Patuloy ng veteran singer, “Spend time with your family, with your grandparents.”
At kasunod niyan ay nakwento nga niya na nanood siya ng school performance ng kanyang apo.
“This morning, I had to wake up early because my granddaughter, who’s seven years old, is going to have a show in her school. So, I woke up very early in order to be there. And I find joy watching her sing. And she also finds joy in seeing her ‘lolo’ is watching. Those moments count in your life,” Chika ni Jose Mari.
Isa pang mensahe na nais iparating ng singer ay maglaan ng oras na gumawa ng magagandang memories kasama ang mga mahal sa buhay na base rin mismo sa isa sa mga timeless classics niya.
“As my song ‘Constant Change’ goes, we don’t really know what the future holds. Today, here and now, this moment is more important,” sey niya
Ilan pa sa mga classical Christmas songs ni Jose Mar ay ang “Christmas in Our Hearts,” “Perfect Christmas,” “Little Christmas Tree” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.