500-Taon ng Kapaskuhan: Isang Libreng Online Concert

500-Taon ng Kapaskuhan: Isang Libreng Online Concert

- December 09, 2021 - 03:50 PM

Ang Limang Siglo, isang voluteer group, na naglalayong magkaroon ng digital documentation ang mga heritage churches (pamanang gusali na simbahan) sa bansa, ay magsasagawa ng isang Libreng Online Concert ngayong ika 14 ng Disyembre sa ganap na 7:00 ng gabi.  Ito ay pinamagatang “500 taon ng Kapaskuhan” na naaayon sa selebrasyon ng ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng Katolisismo sa Pilipinas.  Ito ay sa pakikipagtulungan ng Foundation for Media Alternatives (FMA) at ng Philippine Business for Social Progress (PBSP).

Itinatampok sa online concert na ito ay ang mga artista’t mang-aawit gaya nila Jose Mari Chan, Erik Santos, Christian Bautista, Rannie Raymundo, Aicelle Santos, Liza Chan-Parpan, Sharon Valderrama, May Gosioco, Mahayka Navarro, John Ellie, LA Tubig, Anna Tubig at ng Mater Dei Choir.  Maririnig at matutunghayan rin sa event ang mga original na komposisyon nila Fr. Carlo Magno Marcelo, Fr. Jonathan Bartolome, Nilo Nucup, Don Mauro Gomez, Crispin Nacpil Cadiang, Clarence Bautista, Jericho Torres and  Rolan Fabros Jr.  Karamihan dito ay maririnig sa unang pagkakataon.

500-Taon ng Kapaskuhan Limang Siglo

Ang libreng online concert na ito ay buong suportang inihahatid ng Teravibe.com, Smart Communications, HDI Admix, REJ Diamond Pharmaceutical, Winter Cool Pampanga, at ng Human Nature Community Hub Mexico Pampanga.  Ang libreng online concert na ito ay mapapanood sa Facebook and Youtube Channel ng Limang Siglo.

ADVT

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending