Yukii Takahashi naabuso noong bata, hindi pinaniwalaan ng ina
SA ikalawang bahagi ng panayam ng “Ogie Diaz Inspires” kay Yukii Takahashi ay marami pala itong bubog sa buhay kaya pala may lalim siyang umarte kung mapapansin sa “FPJ’s Batang Quiapo”.
Siya si Camille na live-in partner ni McCoy de Leon o mas kilala ngayong si David na buntis na ng ilang buwan at parating nasa bahay lang. Bagama’t ito lang lagi ang eksena ng dalaga ay makikitang napaka-natural ng pag-arte niya kaya pala napahanga niya si dating Presidente ng ABS-CBN, Ms Charo Santos-Concio.
Sabi nga ni Yukii sa unang bahagi ng panayam na nasulat na namin dito sa BANDERA kamakailan na dapat ay sandal lang ang guesting niya sa Batang Quiapo, pero na-extend ng na-extend at regular na nga sa tingin namin dahil parte na siya ng pamilya na aalagaan ni Tanggol o Coco Martin kahit mawala na ang karakter ni McCoy as David.
Going back sa ‘bubog’ ay diretsahang inamin ng dalaga na noong bata siya ay naabuso siya na lagi siyang nagsasabi sa nanay niya pero hindi siya pinaniniwalaan.
Baka Bet Mo: Yukii Takahashi kering-keri makipagsabayan sa aktingan, mainstay na sa ‘Batang Quiapo’
Ang kanyang amang Japanese ay ilang beses lang niya nakita noong bata pa siya dahil umuuwi ng Pilipinas pero hindi na niya muling nakita nang magka-isip na siya.
“Wala nang memories kasi bata pa ako,” ito ang sambit ni Yukii kay Ogie.
Sa tanong kung nag-reach out siya sa ama, “of course Mama Ogs, I’m the oldest one sa aming dalawang magkapatid, I’m the one whose the one to try to find answers like bakit niya kami iniwan, bakit bigla na lang siyang naglaho, ano bang ginawa kong mali, pinabigat ko ba ang buhay niya? There’s a lot of questions in my head but till now hindi pa rin nasasagot. I just learned to use that pain to be like stronger for my sister.”
Nagtanong din si Yukii sa ina tungkol sa ama, “multiple times. Si mama kasi hindi siya marunong sumagot ng direkta, so what she does was pinapaikot-ikot lang niya ‘yung kuwento pero it doesn’t make sense, pero nu’ng bata ako tatanggapin ko na lang kasi ayaw niya talagang i-explain kung ano ba talaga ‘yung totoong nangyari (bakit sila iniwan).”
Maging sa mga okasyon sa buhay nilang magkapatid na hiniling niya sa in ana tawagan ang ama ay hindi nito ginawa at laging sinasabi ay, ‘busy ang daddy mo.’ Aminado rin si Yukii na lagi silang hindi nagkakasundong mag-ina dahil dito kaya minsanan lang daw silang magkita.
At dito na inamin ni Yukii na marami siyang trauma noong bata pa siya.
“I feel like 2023 was me trying to release everything,” emosyonal na sabi ng dalaga.
‘Bakit ka na-trauma?’ tanong ni Ogie.
“Ang dami kasi mama Ogs, eh..sana may naniwala sa akin. Sana may nakakarinig sa akin when I was young feeling ko po dahil sa mga trauma na ‘yun ngayon ako sinisingil, lahat ng pinagdadaanan ko ngayon for myself,” umiiyak na kuwento ng aktres.
At saka inaming sinubukan niyang wakasan ang buhay niya.
“Kasi there was one time, I think I was just 15 (years old) nobody even know that I was trying to commit suicide like that extent. Naghalo-halo po kasi (isyu) mama Ogs eh.
“There’s family issue, personal issue in my head, and there’s spiritual attacks. ang dami po kasing sangay ng buhay ko when I was young. It’s making me question myself, making me question my integrity, my understanding about things and myself,” kuwento ni Yukii habang panay ang punas ng mga mata.
Naabuso ba ang aktres sa murang edad, “it was not even clear to me, I was very young that’s why very blurry, kung totoo o tini-trick ko lang ang sarili ko na hindi protected ako na hindi nangyari.”
Sabi ni Ogie na naka-mind set si Yukii na hindi nangyari ang pang-aabuso pero nilalaban naman ng kabilang utak niya na nangyari at tumango ang dalaga.
“Sobrang forgiving ko pong tao, pero there’s something in my head na it happened, eh, but nobody’s listening to you, no one’s trying to hear you out when you were young, nagsusumbong ako pero wala,” say pa ni Yukii na nangyari ang lahat noong trese anyos sya.
Inisip na lang ni Yukii na ang kinalakhan niyang bahay ay baka normal lang.
“Parang kind of normal ‘yung mga ganu’n situation like bastos whatever but I was young,” saad ng dalaga.
‘Na-violate ka’, tanong ni Ogie
“Yes of course multiple times especially where I lived parang normal lang kaya you have to be strong kasi kung manghihina ka baka patay na ako ngayon,”diing sabi ni Yukii.
Nabanggit na noong bata siya at naka-uniform na naglalakad ng pauwi sa bahay nila bandang 5:30PM ay may nadaanan siyang mga lalaki na nag-iinuman at lasing na hinarang siya at inaambahan daw siyang (gawan ng hindi maganda) mabuti na lang at nakatakbo siya pero hinabol siya.
Kaya ito ang isa sa bubog ni Yukii na hindi niya masagot kung na-abuse ba siya o hindi at dahil sa nangyari ay umalis na siya sa bahay nila.
At nasaan ang nanay ni Yukii sa panahong may pinagdadaanan siya, “I think she was there hindi ko siya masyadong naramdaman that’s why I became distant din but now were doing good naman na.
Dito na sinabi ni Ogie na kaya nakaka-arte siya bilang si Camille ay dahil sa mga pain na naranasan ni Yukii.
“Kay Camille po feeling ko kapag ginamit ko siya baka masira si Yukii baka hindi ko na naman alam kung saan ako babagsak kaya ang ginagamit ko po kay Camille ay si Camille mismo kung ano ‘yung pain na pinagdadaanan niya (kay David),” esplika ng aktres.
Buo na ba si Yukii ngayon, “binubuo ko pa, healing pa rin until now. at ang goal ko ay gusto ko lang magdire-diretso ang career ko because it’s one of the things that makes me happy kahit gaano ka-pagod from the taping, kahit gaano ka-stressful (okay lang) because it’s feeds my soul.”
Si Yukii ay talent ng Cornerstone Entertainment at nadiskubre siya bilang Tiktokers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.