Dennis umapela sa mga bangko: ‘Palipasin muna ang bagyo bago maningil!’
SA gitna ng pananalasa ng bagyo at Habagat, ibinandera ng batikang aktor na si Dennis Padilla ang kanyang pakiusap para sa isang private banking company.
Sa pamamagitan ng Instagram, nanawagan si Dennis na imbes maningil ng mga utang sa credit cards ay tumulong muna sa mga nasalanta ng bagyo.
“Sa mga boss ng security bank, kindly tell your agents to stop texting and calling sa mga clients para maningil sa credit cards,” saad sa isang litrato na naka-post.
Aniya pa, “Palipasin natin ang bagyo!! Help victims please!!”
Sa IG caption naman, iginiit ni Dennis na: “Compassion muna…After typhoon…Commission [folded hands, red heart emojis]”
Baka Bet Mo: Dennis Padilla handang makipag-ayos kay Marjorie para sa mga anak
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming netizens ang sumang-ayon sa aktor-comedian at may ilan pang nanggigigil.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“I agree!! [red heart emojis]”
“Pera pera labanan wala malasakit sa kapaligiran! Wag po tatanga tanga tumingin kayo sa sitwasyon! Wala ba ulan o bagyo sa inyo! kakapikon ko kayo!”
“‘Yung mga hotels din na chinarge pa din yung room even though ‘di na nga nakarating ‘yung guest because of the cancelled flight na may certification naman from the airline.”
“Couldn’t agree more.”
Magugunitang karamihan sa mga kalye sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila ang nalubog sa baha dahil sa patuloy na pag-ulan ng bagyong Carina na sinabayan pa ng Southwest Monsoon o Habagat.
May ulat din ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may ilang major roads sa kalakhang Maynila ang lubog na sa 8 hanggang 19-inch deep na baha.
Kasunod niyan ay isinailalim na sa “State of Calamity” ang buong National Capital Region (NCR), pati na rin ang Cainta, Rizal.
Kaninang umaga, July 25, wala nang bagyo sa bansa pero nagpapaulan pa rin ang Habagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.