Dennis Padilla nasa healing process na with Julia, Claudia, Leon

Dennis Padilla nasa ‘healing process’ na with Julia, Claudia, Leon pero…

Pauline del Rosario - May 23, 2024 - 09:47 AM

Dennis Padilla nasa ‘healing process’ na with Julia, Claudia, Leon pero…

Dennis Padilla; Dani, Julia, Leon, and Claudia Barrretto

UNTI-UNTI nang naaayos ang relasyon sa pagitan ni Dennis Padilla at kanyang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon.

Ito ang masayang ibinahagi ng comedian-actor sa naging panayam niya sa “Cristy Ferminute” noong May 21.

Ngunit inamin din ni Dennis na mukhang matagal-tagal pa ang kanilang paghilom dahil malalim ang naging sugat sa kanilang relasyon.

“Well, okay naman. Nung birthday ko nag-text sa akin si Julia para i-greet ako, tapos si Leon din. I think this will be the start of the healing process,” sagot ni Dennis matapos kamustahin ni Cristy Fermin ang current relationship status nito sa kanyang tatlong anak.

Kwento pa ng aktor, “Sometimes, ‘yung healing process [ay] medyo matagal lang [kasi ‘pag] medyo malalim ang sugat, may katagalan bago siya gumaling…‘Pag may malalim na pain, medyo it takes time bago magkaroon ng healing.”

Baka Bet Mo: Linda Gorton sa padalang ‘child support’ ni Dennis: ‘Matagal at kulang’

“Ang importante the healing is starting now,” masaya niyang sinabi.

Kasunod niyan ay umaasa si Dennis na magkakaroon siya ng pagkakataon na makausap ang mga anak sa personal.

Gusto rin daw kasi niyang ikwento nang buo at “unfiltered” ang istorya ng kanilang pamilya.

“Nung maliliit pa sila, hindi ko pa pwedeng ipaliwanag sa kanila nang buo kasi hindi nila mauunawaan totally. Pero ngayon na lahat silang tatlo ay adults na, they can listen and they can fully understand… Mas mabilis nilang mauunawaan kapag nagpaliwanag [ako],” sambit niya.

Bukod diyan, hoping ang celebrity dad na magkakaroon din siya ng open communication kay Claudia, katulad kina Julia at Leon.

“Darating ‘yun sa darating na mga araw, anytime, I know dadating ‘yun,” wika niya.

Chika pa niya, “Ang lagi nilang tinatanong sa akin, ‘Bakit ba hindi ka napapagod mag-effort na mag-reach out?’ Tayong mga magulang, mag-reach out ka lang nang mag-reach out kahit walang bumabalik [ay] itutuloy mo pa rin kasi hindi naman kabawasan sa parents ‘yun e.”

“Kumbaga maliit na lang na bagay ‘yun bilang magulang,” ani ni Dennis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna nang sinabi ng komedyante na willing siyang makipag-ayos kay Marjorie alang-alang para sa mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending