Claudia Barretto graduate na sa kolehiyo, Marjorie super proud nanay | Bandera

Claudia Barretto graduate na sa kolehiyo, Marjorie super proud nanay

Therese Arceo - August 30, 2022 - 03:01 PM

Claudia Barretto graduate na sa kolehiyo, Marjorie super proud nanay
LABIS ang saya ni Marjorie Barretto sa pagtatapos sa kolehiyo ng isa sa kanyang mga anak na si Claudia Barretto.

Sa sobrang pagka-proud sa anak ay ibinandera nito ang mga larawan ng dalaga habang nakasuot ito ng toga at mayroon ring mga pictures kung saan magkakasama silang pamilya.

“Congratulations Claudia! I will never forget how happy you made me feel today. I am so proud of you,” saad ni Marjorie.

Dagdag pa niya, “You are so ready for this new chapter in your life. I will always be behind and beside you. I love you, i love you, i love you! Thank you, Lord.”

Samantala, ibinahagi rin ni Claudia sa kanyang Instagram account ang mga graduation pictures niya.

Labis ang pagpapasalamat ng dalaga sa kanyang ina.

“Can’t thank you enough @marjbarretto,” sey ni Claudia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudia (@claudia)

Reply naman ni Marjorie, “I love you so much, Claui. Thank you for making me so happy and proud.”

Marami rin mga celebrities ang bumati sa panibagong achievement ni Claudia.

“Congratulations, Claui! God bless!” comment ni Coney Reyes.

Sey naman ni Juliana Gomez, “O yea baby!”

Si Claudia ay graduate na sa kursong BS Psychology sa Ateneo de Manila University.

Matatandaang noong May 2022 ay nagpunta ang dalaga sa Europe bilang reward sa sarili nang matapos ang kanyang undergraduate degree.

Si Claudia ay kapatid ang nakababatang aktres na si Julia Barretto at isa sa mga anak ni Marjorie sa actor-comedian na si Dennis Padilla. Ang isa pa nilang anak ay si Leon.

Related Chika:
Marjorie Barretto excited sa pagbabalik eskwela ni Claudia

Dennis Padilla umaasang makasama man lang ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon sa lunch o dinner

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Claudia Barretto ‘no reaction’ sa 2 beses na ‘happy birthday’ ni Dennis, pero nag-‘I love you’ sa message ni Marjorie

Julia tinulungan si Marjorie para makapagtapos ang kapatid sa magandang school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending