Dennis Padilla umaasang makasama man lang ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon sa lunch o dinner | Bandera

Dennis Padilla umaasang makasama man lang ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon sa lunch o dinner

Reggee Bonoan |June 05,2021
facebook
share this

Dennis Padilla umaasang makasama man lang ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon sa lunch o dinner

Reggee Bonoan - June 05, 2021 - 06:05 PM

Nasulat namin dito sa Bandera ang panayam ni  Ogie Diaz kay Dennis Padilla kung saan sinabi ng actor-politician na sana ay magkaroon ng time ang magkakapatid na Julia, Claudia at Leon Barretto na makasama siya kahit over lunch or dinner.

May pinag-usapan pa sina Dennis at Ogie pero nahiyang itanong ng aktor kung ano na ang ginagamit na surname ng mga anak, partikular si Julia na nagsabi noon na plano niyang palitan ang apelyido niya. “Sana Baldivia pa rin sa legal documents, tutal naman nakatago lang ‘yun.”

Maraming nakisimpatiya kay Dennis dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala sina Julia, Claudia at Leon sa mundo.

Pero may mga nagsabi na sa panayam na ito ni Dennis ay nagamit lang na naman niya ang mga anak.

Ayon kay Dennis, lagi niyang tinetext ang mga anak at niyayang magkita at kumain pero laging sagot sa kanya ay, “Let’s see Papa.” Minsan ay inaabot pa ng isang linggo bago siya sagutin ng mga anak.

Nakalimutan na raw ba ni Dennis ang sagot sa kanya dati ni Julia sa vlog nito na na may titulong, “Questions I’ve Never Asked My Dad.”

Sa sinasabi ni Dennis na hindi kaagad sumasagot ang mga anak, eto ang paliwanag sa kanya noon ni Julia, “You question why you feel like nobody’s responding, not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before trying to talk to us. That’s why you couldn’t hear from us. We were already too pained, too scared of you.”

Sabi pa ni Julia ay may trauma siya noon kapag kausap niya ang ama, “Before, when we would speak over the phone, you wouldn’t always have the best tone and the best choice of words. That scarred me, that traumatized me, that scared me.

“I wish you would also recognize and acknowledge the fact that maybe ‘I have done something to scare my kids off.’

At sa tanong ni Ogie kung hindi ba naiinggit si Dennis dahil mas madalas pang kasama ni Julia ang boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinagot naman ito ng komedyante ng, “Mahal niya si Gerald.”

Pero sa kabilang banda ay dapat matuwa pa rin si Dennis dahil nanatiling Baldivia ang ginagamit ng anak kapag pumipirma siya ng mga papeles.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending