Jillian inaming girl crush si Marian, game na game gumanap na Marimar
IBINANDERA ng Kapuso Daytime Drama Princess na si Jillian Ward sa buong universe kung sino ang kanyang girl crush sa mundo ng showbiz.
Iyan ay walang iba kundi ang nag-iisang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera na itinuturing din niyang Ultimate Idol.
“Five years old pa lang po ako, pinapanood ko na si Ate Yanyan,” ang pahayag ng “Abot-Kamay Na Pangarap” lead star sa interview ng GMA Network sa naganap na GMA Gala 2024 last Saturday.
Baka Bet Mo: Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’
Paglalarawan ni Jillian kay Marian, bukod sa napakaganda at napakagaling na aktres, napakabait din daw nito at nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng kababaihan at kabataan.
“Kahit sa akin nagme-message siya. Sinasabi niya kung may kailangan ako, if I need anything, i-message ko lang siya,” pahayag pa ni Jillian.
View this post on Instagram
“Siya ang aking girl crush at inspiration,” chika ng young actress.
Sa isang hiwalay na panayam, nabanggit din ni Jillian na gusto niyang sunday ang mga yapak ni Marian pagdating sa pagiging artista.
Sa katunayan, kung mabibigyan ng pagkakataon nais niyang gumanap na Marimar sakaling gawan ito uli ng remake ng GMA 7. Si Marian ang nag-portray na Marimar sa Pinoy version nito noong 2007.
“Well, of course, po. Sino po ba ang hindi may gustong tanggapin ‘yun.
Baka Bet Mo: Jillian Ward ayaw pang magpaligaw at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod na project si Vice Ganda
“Kung ano man po ang ibigay sa akin ng network, and management, kung ano po ‘yung pinagkakatiwala nila sa akin, talagang pagbubutihan ko lang po talaga ‘yung trabaho ko.
“And kung ano mang role po ‘yan, tatanggapin ko ‘yan basta po may na-i-inspire ako and may napapasaya. Pero, of course, why not? Why not talaga,” pahayag ng dalaga.
* * *
Kasalukuyan nang naghahanda ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para matulungan ang mga apektado ng matinding pagbaha at walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong Carina.
Para sa mga nais na magpaabot ng tulong sa mga apektado sa patuloy na pagragasa ng Bagyong Carina, maaari itong ipadaan sa GMAKF.
Maaari din magdeposito sa mga bank account ng GMAKF, o via online sa GCash, Shopee, Lazada, at Metrobank credit cards.
Pwede ring magpadala sa Cebuana Lhuillier. Pumunta lamang sa link na ito para sa kumpletong instructions: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.