Nadine Samonte sa nagdaang GMA Gala 2024: I feel so kawawa

Nadine Samonte sa nagdaang GMA Gala 2024: I feel so kawawa

Therese Arceo - July 24, 2024 - 03:01 AM

Nadine Samonte sa nagdaang GMA Gala 2024: I feel so kawawa

HINDI napigilan ng Kapuso actress na si Nadine Samonte ang maglabas ng saloobin tungkol sa naranasan sa nagdang GMA Gala 2024 noong Sabado, July 20.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan sa social media ang diumano’y hindo magandang experience ng aktres na mismong inilahad ng kanyang naging stylist sa social media.

Hindi kasi nito nagustuhan ang unfair na treatment kay Nadine gayong hindi naging biro ang preperasyon nito bago pa mangyari ang naturang gala.

Agad itong nag-viral at marami ang nagulat dahil isa ang “Starstruck” alumna sa mga artista ng naturang network at nabigla sila na hindi maayos ang naging karanasan ng celebrity mom na mawala sa guest list.

Baka Bet Mo: Nadine Samonte hindi nakapasok sa GMA Gala 2024, wala sa guest list?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At sa latest episode nga ng “Showbiz Update” na uploaded nitong Martes, July 23, ay naglabas na ng pahayag si Nadine tungkol sa kanyang naging experience.

Dito ay inilahad niya kung paano niya nalaman na wala siyang pangalan sa guest list at wala rin siyang assigned seat sa mga table sa loob ng venue.

“Paglabas ko kahapon sa event, hindi ko na natapos yung program. I was so frustrated and so down and lost. Again that’s the right word na parang ‘what happened?’. Parang ganun yung nangyari sa akin. So, my team was so mad. they hugged me when I went up. Umiyak na ako doon,” panimula ni Nadine.

Hindi naman umano niya hinihingi ang VIP treatment subalit sana ay naging patas umano ang pagtrato sa mga artista.

Aniya, hindi naman siya humihingi na magkaroon ng VIP treatment pero sana ay naging fair ang pagtrato sa kanilang mga dumalo sa naturang event.

Pagpapatuloy ni Nadine, “This gala, nag-prepare ako since last year pa. I prepared, nag-check in na ako, last year pa. Binook ko na lahat last year pa. We even had meetings for what to do, for what theme to make. Lahat talaga preparation, gastos… And yet, I was not really expecting na matrato ako as VIP pero I was just wishing na matrato ako fairly lang.”

“‘Noong binigyan nila ako ng invitation for that gala, nag-RSVP kaagad ako. Kapg hindi ka raw kasama sa RSVP, hindi ka raw makakapasok. So nag-RSVP na ako. I even asked them if I can bring my husband. Pero sabi nila I cannot, walang plus one. So sabi ko, okay sige, It’s okay.”

Ngunit nang dumating na siya sa gala ay wala ang pangalan ni Nadine sa list kahit na nagpa-RSVPP siya noon pa man.

“My handler was there also. Tapos sabi, eh wala ka po dito, ano po bang apelyido? Lahat na ng apelyido ko sinabi ko na… Sabi ko, meron po akong show ngayon, iyong ‘Forever Young’ pero hindi pa ini-air. They were looking, they were thinking saan ako iuupo.

“Sabi, o sige upo ka nalang dito kina Althea kasi may isa pang seat na pwede. So binigyan nila ako ng number, when I went inside, sobrang puno nung table and all of their names were there,” kuwento pa ni Nadine.

Sa huli ay nabigyan naman siya ng la mesa ngunit solo siya doon at panay ang lapit sa kanya ng ibang mga kasamahan sa industriya para tiyakin kung ok siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It was dulong-dulong table, and walang nakaupo doon, ako lang. I feel so kawawa na everybody is going sa akin na parang ‘Nadine, are you okay? Okay ka lang ba diyan?” sey pa ni Nadine.

Sa kabila ng nangyari ay nanaig ang pang-unawa sa aktres at nagpasalamat pa rin sa kanyang home network pero sana ay mas maging maayos ang organizers sa susunod.

“Masama lang talaga ‘yung loob ko Tito Ogie. pero it’s okay. I’m thankful naman sa GMA kahit papano na-invite ako sa ganitong malaking event talaga na once a year. And I’m thankful also kasi meron akong bagong show with them. I hope next year, the production will be more vigilant.” ani Nadine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending