Marian suportado si Dingdong sakaling tumakbo sa Eleksyon 2025

Marian suportado si Dingdong sakaling tumakbo sa Eleksyon 2025

Reggee Bonoan - July 22, 2024 - 10:21 AM

Marian suportado si Dingdong sakaling tumakbo sa Eleksyon 2025

Marian Rivera, Dingdong Dantes at Kat Melendez

SA BAWAT projects at product endorsements ay pinag-uusapan munang mabuti ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera bago nila ito gawin.

“Parati kaming may heart to heart talk sa lahat ng ginagawa namin hindi puwedeng wala and lahat ng ito ay pagde-decide both naming dalawa,” bungad ni Marian nang makatsikahan namin kamakailan.

Pati sa product endorsements na alok sa mga anak ay pinag-uusapan din nilang mag-asawa lalo na’t may school pa ang mga bagets at hindi puwedeng mag-absent para sa photo shoot.

Baka Bet Mo: Belle Mariano ibinandera ang taong itinuturing na role model…sino kaya yun?

“Pero si Zia may isip na kaya tatangunin namin siya kung gusto ba niya,” say pa ng proud wifey ni Dingdong.

Sa nakaraang announcement sa 50th Metro Manila Film Festival ay walang entry ang mag-asawa at marami raw ang nalungkot dahil umaasa silang magkakaroon ng part two ang “Rewind.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sinadya raw nina Dingdong at Marian na huwag tumanggap ng pang-MMFF entry dahil noong nakaraang taon ay nawalan sila ng oras sa mga anak nilang sina Zia at Sixto.

“This time (year) mag-rest muna kami since may Cinemalaya (entry) rin ako and Dong meron siya with Ms. Charo (Santos-Concio).

“Last year kasi nawalan kami ng time for the kids dahil parang 24 (December) lang ‘yung naging bakante namin pagdating ng 25 to 30 parang mag-New Year na lang nasa labas pa kami kaya sabi ko kay Dong this time i-rest muna namin para we have time for the kids,” paliwanag ni Yan.

Nabanggit ding walang plano pa para sa baby number 3 dahil gusto muna ng mag-asawa na ibuhos ang panahon nila kina Zia at Sixto.

Napag-usapan din na kung kailan nagkapamilya si Marian ay parami nang parami ang kumukuha sa kanya para mag-endorse ng iba’t ibang produkto kaya naman abut-abot ang pasalamat niya.

Baka Bet Mo: True ba, parinigan nina McCoy at Elisse sa socmed promo lang?

“Oo nga, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa rami ng blessings, siyempre para rin ito sa mga anak namin,” saad ng isa sa GMA prime artist.

Nagbiro ang isang kasamahan sa panulat na sa bawa’t parte ng katawan ni Marian ay may produktong nakalaan kaya naman tawa ito nang tawa at marahil ay doon lang din niya naisip.

“Ako naman kasi, kapag hindi ko ginagamit hindi ko ineendorso, ayaw ko ng ganu’n kaya malalaman ng lahat na kapag tinanggap ko ang isang produkto, that means ginagamit ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“Like itong bago kong endorsement na Nekocee 15 in 1 by Kat Melendez, una, ginagamit ko talaga, pangalawa, pinagkakatiwalaan ko, pangatlo, pinapagamit ko sa pamilya ko at hindi ako papayag na ginagamit ng pamilya ko na hindi ako sigurado.

Isinakto ng KM o ni Kat Melendez ang launching ni Marian bilang unang endorser ng Nekocee sa Unstoppable Neko Awards 2024 para sa top online sellers nila ngayong taon na ginanap sa Okada Hotel.

Samantala, natanong ang magandang misis ni Dingdong kung ano ang reaksyon niya dahil may mga tsikang kakandidato ang aktor sa 2025 elections.

“Ay hindi ako makakasagot niyan, asawa ko ang makakasagot niyan, pero sabi ko nga sa kanya anuman ang destination na puntahan niya kami ng mga anak ko nandoon kami sa likod niya to support him all the way,” sagot ni Marian.

Sa bahay naman ay hindi nila napag-uusapan ang politika dahil ang madalas daw nilang napagkukuwentuhan ay kung saan sila magbabakasyon with the kids lalo’t malapit na naman ang pasukan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, excited na si Marian sa nalalapit na showing ng unang Cinemalaya entry niyang “Balota” mula sa panulat at direksyon ni Kip Oebanda ngayong Agosto. Magandang birthday gift daw ito para sa kanyang ika-40 kaarawan sa Agosto 12.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending