True ba, parinigan nina McCoy at Elisse sa socmed promo lang? | Bandera

True ba, parinigan nina McCoy at Elisse sa socmed promo lang?

Reggee Bonoan |March 05,2022
facebook
share this

True ba, parinigan nina McCoy at Elisse sa socmed promo lang?

Reggee Bonoan - March 05, 2022 - 05:22 PM

True ba, parinigan nina McCoy at Elisse sa socmed promo lang?
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Bandera kahapon tungkol kina McCoy De Leon at Elisse Joson na may parunggitan sa kanilang social media account.

Naunang mag-post si Elisse sa IG stories niya ng, “Akala ko ok na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip ko kung paano matitigil ‘yung paghihirap namin ni baby.”

Ang sagot naman ni McCoy ay, “Maya’t maya akong nagche-check para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog. Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby.”

Nasulat din namin na maraming nagsabing huwag susukuan ng McLisse ang isa’t isa at anuman ang pinagdadaanan nila ay ayusin nila alang-alang din sa anak nilang si Baby Felize.

Pero tila totoo nga na drama lang ito ng dalawa para sa product endorsement nilang pamilya dahil marami ang nag-react ngayon araw.

Mula sa mga hindi nagpakilala ang mga komento nila.

“Ay naku di niyo na kami mauuto sa mga gimik na yan! Nakakaumay na parang yung kila Andrea B lang. Yun pala kasi may series na ipapalabas.”

Sabi man ng isa pa na, “Diaper endorsement.”

Pagpapaalala naman ng iba, “Baka may project si Mccoy at naka lock in taping kaya si Mrs hindi makatulog at si Mr laging nag-aalala. Just trying to decipher their posts. I could be wrong.

Naniniwala rin ang iba, “Ano yan, endorsement ng baby diaper? Nakakapuyat at kailangan lagi icheck.”

“For content ata sa vlog mga Marites! She posted the same question sa IG story niya and people can give her answer.”

“All over twitter to, mga mommy accounts. Feeling ko diaper endorsement.”

At ibinuking nga na endorsement lang ito, “Promo!!! Sure na kasi kaka-shooting lang nila dto sa Pampanga nung Feb!”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

 

Hindi naman nagustuhan ng ibang netizen ang drama ng McLisse, “Sobrang cheap ng ganitong promo.”

“Ka cheapan as always mga the who pa rin sil is obviously promo kasi kaka binyag lang ng anak nila. So cheap!

“Pampam na msyado mga artista couple ngayon

“Gamit na gamit ung baby sa publicity ng mga wa-career na magulang! Look sa sky na lang…

“This couple has been a slave to social media and will do anything para maka earn ng pera for baby’s needs and expenses. Yeah. Also, ang baduy naman kung ganyan magsalita so Mcoy in real life.

“More acting para meron endorse din ng gatas.

Para sa OFW na nakabasa ng post nina McCoy at Elisse, “Mga tao lang naman ang nag a-assume. Hindi nila kasalanan kung ganyan kayo mag isip at mag intindi, lol. Isip isip lang mga kababayan dyan sa Pinas. Hay sus kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano ng aba ang totoo McCoy at Elisse?

Related Chika:
Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’
McCoy, Elisse pinag-usapan kung bakit sila naghiwalay noon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending