McCoy, Elisse pinag-usapan kung bakit sila naghiwalay noon | Bandera

McCoy, Elisse pinag-usapan kung bakit sila naghiwalay noon

Therese Arceo |October 30,2021
facebook
share this

McCoy, Elisse pinag-usapan kung bakit sila naghiwalay noon

Therese Arceo - October 30, 2021 - 07:49 PM

Mccoy, Elisse pinag-usapan kung bakit sila naghiwalay noon

BINALIKANG muli ng celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson ang naging paghihiwalay nila noon na tumagal ng isang taon.

Nitong June lamang nang kumpirmahin ni McCoy na nagkabalikan na sila ni Elisse. Aniya, nangyari ito bago pa mag-umpisa ang pandemya ngunit pinili nilang magkaroon ng low-key relationship.

Sa latest vlog na in-upload ni Elisse ay nagkaroon ng heart-to-heart conversation ang dalawa habang nagde-date at ang naturang break up nga ang kanilang naging topic.

“Isang taon din ‘no na nagkahiwalay? Tapos sa isang taon na ‘yun, nag-break tayo, malala. Tipong hindi tayo nag-uusap talaga, hindi nagpapansinan. Ito, tanong, umabot ka ba sa point na you hated me after breakup?” tanong ni Elisse.

Sinagot naman ito ni McCoy ngunit nilinaw niya na hindi siya direktang nagalit sa aktres bagkus nagalit ito sa mga nangyari.

“Hindi directed sa ‘yo. Na-hate ko ‘yung isang tao kasi sobrang mahal ko…Kasi kung hindi ka naman importante sa akin, kahit anong gawin mo sa akin wala akong pakielam. Gets mo?” sagot nito.

Hindi pa rin nila idinetalye ang buong nangyari ngunit mukhang si McCoy ang unang bumitaw sa kanilang relasyon bagay na ikinagalit ng aktres noon.

“Kasi nga nag-expect ako na hindi ka bibitaw or hindi ka maggi-give up or magpapaubaya. ‘Yun, siguro ‘yun. And then, dinaan ko na lang nga sa galit ‘yung feeling ko na betrayal. Parang ganun ‘yung feeling ko that time, parang I got left behind,” saad ni Elisse.

Nabanggit rin nila ang salitang “paubaya” na tila naging dahilan nga ng kanilang paghihiwalay.

Ayon naman kay McCoy, hindi rin niya inaasahan na siya ang bibitaw sa kanilang dalawa noon.

“Kasi alam kong worth it. Ganun ako, eh. ‘Worth it ‘to, worth it ‘to,’ kahit ‘yung nasa paligid mo, ‘Hindi, hindi na ‘yan. Tama na, lumayo ka na.’ ‘Hindi, worth it ‘to kasi alam kong meron siyang reason.’ Pero syempre alam mo masakit naman,” he said.

Tila naiyak naman si McCoy habang nag-uusap sila na agad napansin ni Elisse.

“Oh bakit ka umiiyak? Light lang tayo. ‘Wag tayong umiyak,” sey ni Elisse.

“Hindi, ano lang, napuwing,” sagot ni McCoy sabay tawa at punas ng mata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Unang nagkakilala ang dalawa sa reality show ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother Lucky Season 7” kung saan parehas silang pumasok bilang mga celebrity housemates noong 2016.

Dito nga naging close ang dalawa at nagkapalagayan ng loob na siyang kinagiliwan ng madlang pipol. Dito rin nagsimulang mabuo ang kanilang love team na McLisse na nauwi sa totoong romantic relationship.

Marso 2018 nang aminin ni Elisse na nagkakaroon sila ng problema ni McCoy na siyang kinumpirma ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago pa man lumabas ang unang pelikula na pinagbidahan nila na “Sakaling Maging Tayo” noong Enero 2019, inamin ng dalawa na ilang buwan na silang hiwalay.

Hindi naman sinabi ng dalawa ang detalye ng kanilang break up ngunit nag-desisyon na lamang ang dalawa na tuluyan nang maghiwalay at buwagin na rin ang kanilang loveteam.

Related Chika:
McCoy, Elisse nagbalikan bago magkapandemya; may 4 ‘magic word’ para sa LDR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending