Barbie kumaripas ng takbo para i-'rescue' si Herlene na nahulog

Barbie kumaripas ng takbo para i-‘rescue’ si Herlene na nahulog sa stage

Reggee Bonoan - July 21, 2024 - 03:18 PM

Barbie kumaripas ng takbo para i-'rescue' si Herlene na nahulog sa stage

Barbie Forteza, Herlene Budol

NAKAKABILIB at parang eksena sa pelikula ang ginawa ng Kapuso actress na si Barbie Forteza para kay Herlene Budol!

Dahil habang panay ang emote at pose ni Barbie sa mga nagpi-picture sa kanya sa entrance ng GMA Gala 2024 ay bigla siyang nagtatakbo para alalayan si Herlene na nakita niyang nahulog sa entablado habang rumarampa.

Ang buong nangyari ay nakunan at ibinandera ng social media user na si @Cordel2022 sa X (dating Twitter).

Caption pa niya sa video, “Form elegant walk sabay takbo para tulungan si Herlene Budol.”

Baka Bet Mo: Barbie na-bad trip kay David: Pinaramdam ko sa kanya na hindi ko bet

Oo nga ang ganda nga naman ng pormahan ni Barbie na todo-smile pa, pero mabuti na lang at patapos na siyang kunan nang bigla siyang kumaripas ng takbo bitbit ng kaliwang kamay ang bahagi ng gown para hindi madapa habang mabilis na lumapit kay Herlene at nagawa pang alalayang makatayo.

Ang nakakapagtaka, marami namang nakakita yata sa nangyari kay Herlene pero bakit parang walang lumapit kaagad?

Ang mga photographer ay nag-uunahan pang kunan ang nangyari sa kanya at ang iba ay nakatawa pa.

Hindi namin personal na kilala si Barbie, pero nagtataka kami bakit marami siyang projects sa GMA 7 kaya sabi namin ay paborito siya, ngayon ay alam na namin ang sagot Her actions speaks for herself.

Anyway, sa comment section, maraming netizens ang pumuri kay Barbie at narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Barbie Is so Sweet Helping Herlen Budol To Get Up.”

“I’m not a fan of Barbie, but seeing her kind act makes me amazed at her.”

“Si Barbie daw pinakamabait na Kapuso.”

“Lumabas ang pagka klay ni Barbie..galing naman.”

“Kaya si Barbie fave ko sa GMA humble and kind.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Totoo naman talaga na kapag mabait ka at humble pa sa production people at mga boss ay hindi ka nila nakakalimutang bigyan ng projects. Lagi ka nilang maalala at isa-suggest ka pa.

No wonder wala kaming narinig na reklamo tungkol kay Barbie sa mga nakatrabaho niya, lalo na sa production.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending