Barbie na-bad trip kay David: Pinaramdam ko na hindi ko bet

Barbie na-bad trip kay David: Pinaramdam ko sa kanya na hindi ko bet

Ervin Santiago |April 04,2024
facebook
share this

Barbie na-bad trip kay David: Pinaramdam ko sa kanya na hindi ko bet

Ervin Santiago - April 04, 2024 - 07:30 AM

Barbie na-bad trip kay David: Pinaramdam ko sa kanya na hindi ko bet


Barbie Forteza at David Licauco

MARAMING rebelasyon si Barbie Forteza sa naging chikahan nila ni Kim Chiu para sa kanilang bonggang collab sa YouTube.

Isa sa mga topic na napag-usapan nila sa naturang vlog ay ang pagiging aktres ng Kapuso Primetime Drama Princess kung saan nagpakatotoo ang dalaga sa mga sagot niya sa questions ni Kim.

Natanong si Barbie kung ano ang mas gusto niya, ang maging bida o kontrabida, “Para sa akin mas naiintindihan ko yung buong istorya kapag ikaw yung bida kasi ‘di ba iikutin mo yung lahat ng characters.”

Baka Bet Mo: Barbie Forteza, David Licauco masyado na raw OA, sey ng faney: Ang cringe talaga ng fan service

Inamin din ng girlfriend ni Jak Roberto na mas gusto niyang gumawa muna nang gumawa ng mga teleserye kesa sa pelikula.

“Mas nasanay ako sa teleserye kasi wala ako masyadong movie so hindi ako masyado nasanay sa disiplina ng paggawa ng pelikula.

“Kasi kapag teleserye mas sanay ako na 30 sequences a day tapos mabilisang shoot lang. Kapag pelikula kasi kaunti lang eksena pero paulit-ulit kasi maraming angulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


“So iyong emotions hindi pa ako ganoon kasanay na mahabaan to get to that level of emotions again and again para maging raw ulit. Mas sanay ako sa mabilisan tapos move on na,” paliwanag niya.

Nabanggit din ng dalaga na ang “ultimate goal” niya sa pagiging aktres ay ang makatanggap ng mga acting awards.

“Siyempre awards kasi para sa sarili mo ‘yon, eh. Sa’yo ‘yon. Nakalagay ‘yung pangalan mo doon sa trophy.

“At saka ayon naman talaga ‘yung dahilan kung bakit gusto ko mag-artista. Gusto ko talaga ng awards. Gusto ko maging actress talaga,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza hindi nag-iilusyon na magiging next Sharon Cuneta: ‘Wala naman talagang makakapantay sa ating Megastar!’

Mahalaga rin para sa kanya ang mabasa o marinig ang mga sinasabi ng tao about her and her work

“Every time kasi gusto ko maging self-aware. Kasi ‘di ba malalaman ko na lang sa ibang tao na may chika about me so paano ko masasagot di ‘ba?” paliwanag ni Barbie.

Nagbabasa rin daw siya ng mga nasusulat at nababalita tungkol sa relasyon nila ni Jak, “Ayun lang naman pero hindi naman ako naapektuhan. Gusto ko lang maging self-aware.

“Tapos minsan kapag magaganda yung mga nababasa ko, nakaka-boost naman. Kapag pagod ka na, ay worth it pala mapagod kasi ganito yung sinasabi nila,” dugtong ni Barbie.

Samantala, may inamin din ang Kapuso star tungkol sa leading man niyang si David Licauco. “Annoying” daw ang tingin niya sa Pambansang Ginoo nu’ng unang pagkakataon na magkatrabaho sila.

“I have. Wala akong ginawa pero pinaramdam ko sa kanya na hindi ko bet. Alam ni David iyon pero ngayong okay na kami. Nasa acceptance stage na ako.

“Kasi dati sa Mano Po (series nila sa GMA), late. So, ayun naging issue namin for a while.

“Tapos, no’ng finally in-accept ko na ‘yun about him, and in fairness naman din sa kaniya umeffort na siyang mapaaga ngayon, magin on time dahil sa akin. Inaadmit niya ‘yun,” sabi ni Barbie.

Sey naman ni Kim, “Naturuan mo siya in a way to be professional.”

“Yes. Kaya ngayon we are very good friends na. Okay na kami ngayon,” tugon ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang magkasamang nag-perform together sina Kim at Barbie sa isang episode ng “It’s Showtime” noong July, 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending