Gary Valenciano pinakaba ang netizens, inakalang 'patay' na

Gary Valenciano pinakaba ang netizens, inakalang ‘patay’ na

Therese Arceo - July 20, 2024 - 09:04 PM

Gary Valenciano pinakaba ang netizens, inakalang 'patay' na

KINABAHAN ang netizens sa inilabas na na promotional photo ni Gary Valenciano sa social media para sa kanyang upcoming concert.

May paparating kasing concert ang tinaguriang Mr. Pure Energy sa August na pinamagatant “Inspired” at gaganapin ito sa California, USA.

Hindi maiwasang kabahan ng madla dahil sa black and white photo, at kung hindi mo babasahing mabuti ang nakasulat sa promo photo ni Gary V ay aakalain mong tulad ito ng mga larawang ginagamit kapag iniaanunsyo ang pagkawala ng isang tao.

Madalas kasi ay black and white ang kulay ng larawan kapag ipinapaalam ang pagkamatay ng isang tao sa social media.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Keiko ibinunyag na may collab with Gary V: Sana mangyari na!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad namang nag-viral at umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang larawan ni Gary.

“Buti na lang binasa ko kagad haha,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Muntik ko na ma-share na RIP Gary V grabe… bakit naman kasi black and white.”

“Bat ganyan naman kasi kulay. Kinabahan ako ng bahagya,” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos mag-viral ay naglabas naman ng pahayag si Gary tungkol sa kanyang lumabas na pubmat.

Pinakalma nito ang mga netizens at siniguradong maayos ang kanyang lagay.

“HAHAHHAHA ok everyone…chill. I know you all got scared…but I’m very much alive and very much excited for these two nights of full inspiration. I’ll see you there k?” sey ni Gary V.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending