Bagyong Butchoy nakalabas na ng bansa, ayon sa PAGASA
MAY bagong update sa bagyong Butchoy!
Ayon sa 11 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, July 20, nakalabas na ito ng ating teritoryo o sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang lokasyon na nito, as of this writing, ay nasa labas na ng kanlurang bahagi ng Iba, Zambales.
Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometers per hour papunta sa kanluran at inaasahang tatama sa Hainan, China sa Lunes, July 22.
Samantala, may naiwan pa ring sama ng panahon sa ating bansa –ang bagyong Carina.
Baka Bet Mo: AiAi natulog sa sahig ng US airport dahil sa ‘global outage’: Nakakalerky!
Tulad sa nauna naming naibalita kanina, ito ay wala pa ring direktang epekto pero pinapalakas nito ang Southwest Monsoon o Habagat na siyang magdudulot ng pag-ulan sa maraming lugar.
Ayon din sa PAGASA, ang bagyo ay posibleng lalong lumakas sa mga susunod na araw hanggang sa maging isang typhoon.
“CARINA is forecast to steadily intensify and reach tropical storm category within the next 12 to 24 hours. Beginning on Monday, the tropical cyclone will likely intensify further at a faster rate, eventually reaching typhoon category on Tuesday,” saad sa kanilang latest bulletin.
Ang sentro ng bagyong Carina ay huling namataan 510 kilometers sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.
Ang taglay nitong hangin ay may lakas na 55 kilometers per hour at ang bugso ay aabot ng 70 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 30 kilometers per hour papuntang kanluran.
Ang weather forecast para sa araw na ito, July 20, asahan ang kalat-kalat na mga ulan sa Antique, Palawan, Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan dahil sa Habagat.
May panaka-nakang pag-ulan naman sa Mindanao, at sa nalalabing bahagi ng Visayas at MIMAROPA.
Uulanin din sa Metro Manila at sa natitirang lugar ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.