Epekto ng El Niño sa bansa natapos na, ayon sa PAGASA
TAPOS na ang El Niño phenomenon sa bansa.
‘Yan ang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong Biyernes, June 7.
Ang ibig sabihin niyan, posible na ang mas madalas na mga pag-ulan.
“DOST [Department of Science and Technology]-Pagasa announces the end of El Niño, as the conditions in the tropical Pacific have returned to El Niño Southern Oscillation (ENSO)-neutral levels. Moreover, a transition from ENSO-neutral to La Niña remains likely (about 69% chance) by July-August-September 2024 season,” saad sa inilabas na statement ng weather bureau.
Kasabay niyan, sinabi ng ahensya na ginawa na nilang “inactive” ang El Niño Southern Oscillation Alert and Warning System (ENSO), habang ang La Niña watch ay nananatili pa rin.
Baka Bet Mo: 1-2 bagyo inaasahan sa bansa ngayong Hunyo, ayon sa PAGASA
Pero paglilinaw ng PAGASA na ang impact ng El Niño, lalo na ang “warmer-than-usual surface temperature and below-normal rainfall” ay posible pa ring maranasan sa ilang parte ng Pilipinas.
“DOST-Pagasa will continue to closely monitor any significant developments in this climate phenomenon,” pagtitiyak pa nila.
Pero ano nga ba ang El Niño?
Para sa mga hindi pa masyadong aware, ito ay isang climate pattern na lumiliit ang tsansa ng mga pag-ulan.
Ang ibig sabihin nyan, mas malaki ang posibilidad na magdulot ito ng dry spells, drought o tagtuyot at iba pang negatibong epekto sa kapaligiran na nauugnay sa init.
Ang El Niño ay nangyayari isang beses kada dalawa hanggang pitong taon.
Bukod nitong 2023 hanggang first quarter ng 2024, huling naranasan sa bansa ang ganitong klaseng klima ay noon pang last quarter ng 2018 hanggang sa third quarter ng 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.