PAGASA: Walang 'super typhoon', 2 LPA ang magpapaulan

PAGASA: Walang ‘super typhoon’, 2 LPA ang magpapaulan sa bansa

Pauline del Rosario - July 19, 2024 - 12:10 PM

PAGASA: Walang 'super typhoon', 2 LPA ang magpapaulan sa bansa

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

WALANG super typhoon ngayon sa bansa.

Ito ang paglilinaw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay sa kumakalat na balita tungkol sa bagyong “Lakas.”

Ayon kasi sa viral post, may super typhoon ngayon sa bansa na kasing lakas ni Yolanda na tumama sa atin noong 2013.

Pero giit ng weather bureau nang tanungin ng INQUIRER.net, ito ay fake news!

Ipinaliwanag din ng ahensya na wala sa listahan nila ng tropical cyclones for this year ang pangalang “Lakas.”

Baka Bet Mo: Mga insidente ng pagnanakaw na kumakalat sa socmed ‘fake news’, ayon sa QC LGU

Kung mausisa rin kayo, kaduda-duda ang nasabing post dahil na rin sa attached link nito na ang sinasabi ay makikita ang detalye ng mga apektadong lugar, pero kapag pinindot mo naman ito ay nagpupunta ito sa site ng isang sikat na online shop.

Samantala, binabantayan ngayon ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa ating bansa.

“Almost the entire country will have cloudy skies and rains,” Paliwanag ni Weather Specialist Aldczar Aurelio ngayong araw, July 19, sa isang press briefing.

Ang unang LPA ay huling namataan 135 kilometers west-southwest ng Calapan, Oriental Mindoro.

Ito ay magpapaulan sa ilang bahagi ng Palawan at Occidental Mindoro.

Ang isa pang sama ng panahon ay huling nakita sa silangang bahagi ng Eastern Visayas.

Dahil sa “trough” o buntot nito, asahan ang mga ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon), Bicol region, Western Visayas at ang nalalabing bahagi ng Mimaropa (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan)

Fair weather o maulap na kalangitan naman ang mararanasan sa mga natitirang lugar ng bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na apektado ng ulan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending