Mga insidente ng pagnanakaw sa socmed ‘fake news’

Mga insidente ng pagnanakaw na kumakalat sa socmed ‘fake news’, ayon sa QC LGU

Pauline del Rosario - October 08, 2023 - 03:24 PM

Mga insidente ng pagnanakaw na kumakalat sa socmed ‘fake news’, ayon sa QC LGU

INQUIRER file photo

NAGKAROON na ng paglilinaw mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City patungkol sa mga balitang may serye ng mga pagnanakaw sa lungsod.

Kamakailan lang kasi, kumakalat sa social media na may mga armadong lalaki umano ang nagnanakaw ng malaking halaga ng pera, pati na rin accessories at gadgets mula sa customers at may-ari ng ilang establisyemento.

Ayon sa local government unit, hindi totoo ang mga kumakalat na balita at tila nais lamang takutin ang mga residente ng Quezon City.

Baka Bet Mo: Paglilinaw ng BANDERA sa statement ng MTRCB tungkol sa music video ni Toni Fowler

“Ang mga post na ito’y pawang fake news na ang tanging layunin ay maghasik ng takot sa QCitizens at sirain ang imahe ng ating lungsod,” sey ni Mayor Joy Belmonte sa isang pahayag.

Dagdag pa ng alkalde, nagkaroon na ng imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) at walang katibayan na may nangyaring nakawan.

Sinabi din mismo ng nasabing police district na ang messages na ito ay ilang taon na ring kumakalat sa internet.

“Further investigation reveals that these messages were also circulating on social media platforms in previous years, but there was no concrete evidence to suggest that these alleged robbery incidents occurred as described,” saad ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan.

Heto ang mga balita na may false information:

  • Natangay sa Namiya Izakaya sa Scout Tobias, Quezon City ang kabuuang P100,000, alahas, at mga cellphone.

  • Ninakawan ang Banawe Starbucks sa Brgy. Lourdes, Quezon City kagabi sa loob lamang ng isang minuto.

  • Ang mga customer ng Shangri-La Chinese Seafood Cuisine sa No. 3 Times Street, West Triangle (ngayon ay Peng Lai Restaurant) ay ninakawan ng kabuuang P250,000, kasama ang mga cell phone at bag.

Hinikayat ng Quezon City government at ng QCPD ang publiko na maging maingat sa paniniwala sa impormasyong kumakalat online at i-verify muna ang mga bagay-bagay bago ipakalat ang mga ito.

Read more:

Herlene Budol ninakawan ng halik si Alden, netizens umalma: Sa lahat ng nailang, nag-sorry na po ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parusang ‘persona non grata’ kina Ai Ai, Direk Darryl pwedeng bawiin, sey ni Lagman: We just want an apology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending