Andrea single pa rin: Ang lalaki lang sa life ko ngayon ay si Papa God!
MARAMI ang nakakapansin na mas gumanda at mas naging blooming pa ngayon ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.
Ayon sa dalaga, nahihilig daw siya ngayon sa mga Korean make-up at baka raw ang nakikita ng madlang pipol ay ang epekto ng positive outlook niya sa buhay matapos makaranas ng sunud-sunod na kontrobersya nitong mga nagdaang buwan.
“Ewan ko ha, baka bagay sa akin ang Korean make up? Nagko-Korean ako lately,” ang natatawang chika ni Andrea sa panayam ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Ogie sa mga namba-bash sa ina ni Andrea: ‘Krimen ba ang pagtulong sa pamilya?’
“Ewan ko kung napapanood niyo ‘yung IG stories ko, ako kasi ang nagme-make up sa sarili ko. And natutuwa talaga ako sa Korean make-up lately so ‘yun ang lagi kong request siguro baka bagay talaga sa akin,” sey pa ng dalaga.
View this post on Instagram
Wala rin daw siyang dyowa ngayon at naka-focus muna siya sa trabaho at ilang negosyo, “Ang lalaki lang sa life ko ngayon ay si Papa God, I think ‘yun ang nakikita niyong glow sa akin siguro ngayon.”
“Lumalaki ako sa lola ko po and my lola is a Catholic and may pagka-religious talaga siya, so kilala na talaga ang Panginoon matagal na.
“Kailan lang talaga ako nagkaroon ng deep relationship with God, siguro mga two years ago. Hindi lang talaga ako masyadong ma-post about it.
Baka Bet Mo: Lolit Solis bugbog-sarado sa fans ni Andrea Brillantes: Nanindigan lang siya bilang Kakampink, karumal-dumal ba ‘yun?
“Ngayon lang talaga ako mas nagpo-post para kasing part na siya ng personal life ko and lahat naman po mayroon po ng artista may itinitira at isa po ‘yun sa pinapangalagaan ko kasi ayoko siyang ma-tarnish ng public,” pahayag pa niya.
Samantala, natanong din si Andrea sa nasabing interview tungkol sa pagtanggap ng mga regalo mula sa taong magmamahal sa kanya, partikular na ang mga jewelry.
View this post on Instagram
“For me kasi, hindi naman siya about the money. Ang ring kasi lalo na kung wedding ring ‘yan meron talagang meaning ‘yan kung ano ang value mo doon sa wedding or sa partner mo or how much you are willing to provide for your love.
“Ako po kasi, hindi ako papayag sa 200 just because, nasa personality ‘yun ng way ng binibigay mo sa akin hindi siya sa cost, parang how much are you willing to give or to commit sa relationship.
“Lalo na sa akin, wedding ring ‘yun ang start niyo and symbol ng commitment niyo sa isa’t isa.
“Doon pa rin tayo siyempre kung tama ang value ng pagmamahal niya, kasi mamaya baka sabihin masyado naman ako meterialistic na isipin gusto na sobrang malaking diyamante. Sana both makuha ko in the future,” sabi pa ni Andrea Brillantes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.