Kylie sa breakup nila ni Aljur: I lost myself, 'di ko na kilala sarili ko

Kylie sa breakup nila ni Aljur: I lost myself, hindi ko na kilala sarili ko

Ervin Santiago - July 17, 2024 - 12:40 AM

Kylie sa breakup nila ni Aljur: I lost myself, hindi ko na kilala sarili ko

Kylie Padilla at Aljur Abrenica

NAPAKAHIRAP at napakatindi ng pinagdaanan ni Kylie Padilla nang maghiwalay sila ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.

Inamin ng Kapuso actress na hindi biro ang mga naranasan niya mula nang magdesisyon sila ni Aljur na tapusin na ang kanilang pagsasama, kabilang na riyan ang pagiging single parent.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa pag-abswelto ng Supreme Court kay Vhong: ‘Isang pangyayari lang pero ang daming message mula sa Panginoon’

“I lost myself talaga. Actually, I didn’t even know I lost myself. Kasi pinaglalaban ko ‘yun, kailangan maging matibay ako para sa mga anak ko,” ang rebelasyon ni Kylie sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JP Yu (@iamjpyu)


“But then when I look back, I was so full of anxiety. Hindi ko kilala ‘yung sarili ko. I wasn’t sure,” sabi pa ni Kylie.

More than “galit” pa raw ang kanyang naramdaman noon nang mawasak ang married life nila ni Aljur dahil sa mga challenges na pinagdaanan niya.

“Rage? Yeah. Not anger. Rage. Na hindi ko alam paano ko ilalabas. And I was looking for projects where I could,” sabi pa niya.

Buti na lang daw at nagkaroon siya ng mga proyekto sa GMA 7 habang magmu-move on siya sa pagkasira ng pagsasama nila ni Aljur. Nagsilbi raw itong “therapy” para muling mahanap ang sarili.

Baka Bet Mo: Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life

Samantala, masaya namang ibinalita ni Kylie na maayos ang co-parenting nila ni Aljur sa dalawang anak nilang sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

“Yes, we co-parent. Madalas. Like, every time na kukunin niya ‘yung mga bata, we talk,” aniya.

Pinag-uusapan din nina Kylie at Aljur ang tungkol sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak.

“If may bagong ugali ‘yung mga anak namin na kailangan, tingin ko kailangan niyang sabihan or to guide them, sasabihin ko.

“And then same with him. Parang may napansin daw siya na, tapos ganu’n din ako. So batuhan lang kami in a way. So we’re trying to make it as consistent as possible,” sabi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by k y l i e ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)


Diretsahan ding inamin ni Kylie na meron na siyang bagong boyfriend na non-showbiz habang nasaya na rin si Aljur sa piling ni AJ Raval.

Kung matatandaan, inamin ni Aljur na niloko niya si Kylie na naging sanhi ng pagkawasak ng kanilang pagsasama.

“Yeah, totoo naman, totoo naman ‘yon. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako,” sabi ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mari-realize mo na I have to accept kasi hindi na talaga. Kasi ginawa ko na lahat. At siya rin, ginawa niya rin lahat in fairness,” ani Aljur tungkol sa muling panunuyo niya kay Kylie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending