Maris sa breakup nila ni Rico: I don't know what happened to me

Maris sa breakup nila ni Rico: I don’t know what happened to me…

Ervin Santiago - July 16, 2024 - 12:30 AM

Maris sa breakup nila ni Rico: I don't know what happened to me...

Maris Racal at Rico Blanco

MUKHANG pinanindigan nga ni Maris Racal na una’t huli na niyang pagsasalita tungkol sa hiwalayan nila ni Rico Blanco ang nangyari sa Star Magic Spotlight presscon last July 12.

Mula nang ibahagi niya sa ilang miyembro ng entertainment media ang breakup nila ng OPM icon ay hindi na nasundan ang intervew ng dalaga.

Napakasakit ng pag-iyak ni Maris habang nagsasalita sa harap ng press hinggil sa nagtapos na relasyon nila ni Rico. Nakiusap pa siya na huwag i-bash o pagsalitaan ng masama ang ex-dyowa.

Baka Bet Mo: Maris younger version ni Rico ang dasal: Pero siya ang ibinigay ni Lord

Walang binanggit si Maris tungkol sa mga dahilan ng biglang paghihiwalay nila ni Rico, “This is the only time I will talk about it. Since while we’re at it, I would like to humbly ask the public to look at us, Rico and I, with understanding and love because we’re both grieving.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi naman mako-control ‘yung mga opinyon ng tao, but please don’t direct your hate towards Rico because he’s too precious for that. If you guys are ready to throw some punches, I’m willing to take them,” sey ng dalaga.

“I don’t know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life. I had visions of who I want to become, and how I want to evolve,” aniya pa.

Samantala, bago mangyari ang rebelasyon at pag-iyak ni Maris, masaya pa siyang nakipagchikahan sa press tungkol sa mga bagong kaganapan sa kanyang career.

Napag-usapan ang markadong karakter niya bilang Irene Tiu sa ABS-CBN hit series na “Can’t Buy Me Love” at ang pelikula niyang “Marupok AF.”

“Yung pinaka-proud ako is ‘yung Irene Tiu. ‘Yun talaga yung nag-open ng doors sa akin ngayon parang endless pa rin ‘yung blessings and thankful ako sa universe na patuloy pa rin ang blessings. Unexpected siya,” sey ni Maris.

Baka Bet Mo: Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

Noong 2014, sinimulan ni Maris ang kanyang journey sa entertainment industry bilang 2nd Big Winner ng “Pinoy Big Brother: All In.” Dito nagsimula ang kanyang career under Star Magic.

Higit sa pagiging composer, singer, dancer, aktres, vlogger/content creator, endorser, at entrepreneur, minahal siya ng generation ngayon dahil sa kanyang unique na personality.

Pinasaya niya ang telebisyon sa kanyang mga acting roles gaya sa “Hawak Kamay” (2014), “Maalaala Mo Kaya”, “Ipaglaban Mo!”, “Oh My G!”, “How to Move On in 30 Days” (2022), at marami pang iba.

Ang kanyang pagganap sa “Here Comes the Groom” ay nagbigay sa kanya ng nomination bilang Best Supporting Actress sa Summer MMFF.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nakaka-warm pa rin ng heart. Naalala ko ‘yung 16-year-old Maris na nag-wowonder, ‘what’s coming for her?’ Now the older Maris seeing it, napatunayan mo talaga sarili mo. Ipinakita niya na kaya niya ang buhay showbiz,” sey ni Maris habang inaalala ang kanyang career na tumatagal na ng 10 years.

Mas lalo pa siyang minahal ng mga manonood nang gumanap nga siya bilang Irene Tiu kasama ang kanyang on-screen partner na si Anthony Jennings.

Nang matanong tungkol sa loveteam niya with Anthony, o “MaThon”, sabi ni Maris, “Kami ni Anthony, grabe ‘yung mga pangarap namin. Sana after the movie na gawin namin, magbunga pa.

“Kasi we have that special rapport na hindi ko ma-mimic with other people. Masarap siya katrabaho, ka-banter and ka-eksena. Sana makagawa kami ng films na in 50 years, people will look back and will be in their Top 3 or Top 5, ‘yung classic ganu’n,” sabi ng dalaga.

“Na-challenge ako kasi before Irene Tiu, Beanie (role sa Marupok) was the first complex character that I played. Charming siya but she has very dark intentions towards people.

“Du’n ako na-challenge, so I really prepared. Nanuod ako ng films na like that to get into the zone.” sabi ni Maris tungkol sa preparations niya para sa kaniyang lead role sa movie na ‘Marupok AF,’” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang matanong tungkol sa nature ng kanyang role sa naturang movie, “Nako-confuse ako sa feeling. Kasi if it’s fiction, masaya like na-enjoy ko siya. But we’re dealing with real events kasi so ang gray area ko du’n ay I’m happy na natutuwa sila sa character ko, but ang gusto ko talaga ay i-symphathize nila ang victim.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending