Maris younger version ni Rico ang dasal: Pero siya ang ibinigay

Maris younger version ni Rico ang dasal: Pero siya ang ibinigay ni Lord

Ervin Santiago |February 20,2024
facebook
share this

Maris younger version ni Rico ang dasal: Pero siya ang ibinigay ni Lord

Ervin Santiago - February 20, 2024 - 04:20 PM

Maris younger version ni Rico ang dasal: Pero siya ang ibinigay ni Lord

Maris Racal at Rico Blanco

ANG bongga pala ng kuwento sa likod ng pakikipagrelasyon ni Maris Racal sa singer-songwriter at aktor na si Rico Blanco.

Matindi pala ang ginawang manifestation ng Kapamilya actress para magkaroon siya ng boyfriend na tulad ni Rico.

Nagkuwento ang “Can’t Buy Me Love” star sa latest vlog ni Vicki Belo tungkol sa kanyang lovelife at dito nga niya inamin na bata pa lang siya ay super idol na niya ang award-winning OPM artist.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Actually, naunang maging fans ni Rico ang mga kapatid niya, kabilang na ang kuya niyang nagbabanda, hanggang sa  nagustuhan na rin niya ang binata.

Baka Bet Mo: Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?

“And then nu’ng nag-artista na ako, siguro mga ilang years na rin ako sa showbiz nu’n, may nagtanong sa akin: ‘Anong type mo sa lalaki?’” pag-amin ni Maris.

Ang sagot daw niya, “Ewan ko. Parang gusto ko ‘yung Rico Blanco na look tapos gusto ko ng music. Na mahilig siya sa music. And then, gusto ko ng…actually younger version ni Rico Blanco.”

Lagi raw talaga siyang nagpo-post sa private account niya ng kanyang wish na sana’y bigyan siya ni Lord ng younger version ni Rico.

“Tapos I kept posting on my private Facebook na ‘Lord, bigyan n’yo naman ako ng younger version ni Rico.’

“Like super crush ko talaga siya. Pero hindi ko naman in-expect na siya ‘yung ibibigay ni Lord, hindi ‘yung younger version,” chika ni Maris sabay tawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


Pinatunayan nina Maris at Rico na age doesn’t matter talaga pagdating sa love dahil 25 years ang agwat ng kanilang edad – 27 si Maris habang turning 51 naman si Rico sa darating na March.

Baka Bet Mo: Rico Blanco: Hindi ako nahihiyang aminin talaga na all these years I love to act

Sa isang interview, inamin ni Rico na si Maris daw ang kanyang soulmate, “Actually, nagulat po ako. Hindi ko na-imagine na merong…tunog cliche, hindi ko ine-expect talaga na mayroong ganu’ng tao na darating sa buhay ko na parehong-pareho kami.

“No offense po sa mga dati kong girlfriend, mga kasundo ko rin po sila lahat, kaya lang po, ibang level po ito (kay Maris). Parang sobrang minsan nakikita ko po yung sarili ko sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung ano po yung mga happiness niya or kahit mga pinoprobelma niya, tatawa na lang ako. Tapos sabi niya ‘Ba’t ka tumatawa, namomroblema na ko?’ Sabi ko ganyan na ganyan din ako mamroblema,” sey ni Rico.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending