Rico Blanco may bilin sa susunod na magmamahal kay Maris?

Rico Blanco trending, may bilin sa susunod na magmamahal kay Maris?

Reggee Bonoan - July 13, 2024 - 09:57 PM

Rico Blanco trending, may bilin sa susunod na magmamahal kay Maris?

TRENDING ngayon ang pangalan ni Rico Blanco at nang i-check naming ay ‘yung mga lumang video nila ni Maris Racal na kumakanta ang lumalabas plus ‘yung video ng singer/actress sa mediacon niya kahapon na inaming ‘Rico and I are over.”

May lumabas din sa Facebook page na umabot na sa 4,900 shares, 91,000 engagements at 2,400 comments.

Ang petsa ng post ni Rico na nakalagay ay July 12 na siya ring petsa kahapon na umamin si Maris na hiwalay na sila ng boyfriend pagkalipas ng limang taong magboyfriend/girlfriend.

Ang post sa singer-songwriter na may username na @ricoblanco100 na may blue check, “To my Maris, you are sweet and genuine when it comes to love. I really can’t believe na maghihiwalay tayo. akala ko, we were the perfect couple, pero hindi pala talaga. Totoo pala ‘yung kasabihan na pinagtakpo pero hindi itinadhana.”

Baka Bet Mo: Maris Racal kumpirmadong hiwalay na kay Rico Blanco: I’m so scared…

At may bilin pa sa next na makakarelasyon ng dalaga, “sa lalaking next mong mamahalin, I hope he will prioritize you the way you deserve. Hanggang dito na lang tayo, but you will always have a special place in my heart.”

Ang nasabing post ay 3:16PM kahapon at umani na ng 24.1M views.

Ang ilang komentong nabasa namin mula sa 2,400 comments ay:

“Ung bakit kylangan maghiwalay kahit love pa ang isat isa, thats love is kung hindi talaga kayo no choice, ‘yung respeto nakakabilib.”

“Soo sad ..y ganun they love each other pa namn pinapahirapan lang nila sarili nila..Sana kahit nag space lang muna sila until na ma realized nila na magbalikan ulit..

Sana ibalik kayo ng tadhana. Kung kayo talga para sa isat isa.”

“They truly Love each other. Kahit sa break up di nila binato at pinabaonan ng masasakit na salita ang isat isa.”

“I guess they have somethings na di nila kayang agree-han, and it doesn’t made them both happy for their choices or decisions in life. Maybe, they both bored with each other na and the love remains but not the way they used to be. Better let go off and have some space while thinking of what matters most. Someday, if Gods will, they will cross their way again.”

“Relate….meron tlga taung taong mamahalin ng totoo but sad to say kahit mahal kp kng d tlga kau tinadhana maghihiwalay p rin kau kahit mahal n mahal nyo isatisa.”

“Ito Ang TUNAY na lalaki. Hindi Yung Hindi naman talaga kita minahal Hindi naman Tayo masaya sa ISA’T ISA. Never pa akung NAGING masaya sa ka relasyon ko hohay

“Tama yan space kailangan malay mo someday magbalikan ulit sila.”

“The intimate love still there for both of them sa mapi-feel mo sa kanikanilang pahayag pero ano pa nga bang magagawa Kung ano man Ang mga dahilan nyo..we us nakasubaybay sa love story nyo support nalang sa decision n’yo that’s life nothing is permanent.”

“Pag may edad na talaga nakakatamad na sabayan sa trip ang mga babae Lalo na kung ung puro travel ang gusto iniwan kana ng eroplano.”

“Wow galing nman Ng breakup nila… Yes Anjan Ang sakit bat Anjan pa rin Ang pangging pagkakaibigan.”

“Hndi pa ready siguro Marami pa syang gusto Gawin or gusto nya pa hanpn Yung sarili maaari may kulang at si Lord yn Wala Ng iba pa because he Gives us hope to be a better person.”

“Ang ganda ng samahan nila kaya both side me resprto sa isat Isa. Ito lang ata ung napansin ko naghiwalay pero minamahal pa rin. GODBLESS sa inyo mga idol.”

Mula naman sa awitin ni Rico, “When the light disappears. And when this world’s insincere. You’ll be safe here. When nobody hears you scream. I’ll scream with you. You’ll be safe here”

#RicoBlanco

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sobrang sakit! Sguro mas pinili n Maris career muna bago mag settled.kasi si Rico talagang ready na.gusto n Mariz mag enjoye muna. kasagsagan kasi ng kasikatan niya sayang kung papalampasin niya.di natin alam anu talaga ang dahilan.”

Samantala, hindi na matagpuan ang naturang post kaya ang tingin ng iba ay baka may ibang nag-edit lang ng post ni Rico Blanco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending