Sanya nakalunok ng pawis, Alden binomba at pinagbabaril sa ‘Pulang Araw’
MASAYA ang naging kwentuhan sa nakaraang press conference ng “Pulang Araw” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, David Licauco, Alden Richards at Sanya Lopez.
Isa sa mga chinika nila ay ang kanilang memorable moments sa taping ng nasabing upcoming Netflix series.
Para kay Sanya, kakaiba ang kanyang naging experience, lalo na’t first time niyang makalunok ng pawis ng kanyang ka-eksena!
Hindi na pinangalanan ng aktres kung sino ito, pero tawang-tawa siya habang inaalala ‘yung nangyari.
“Ang masasabi ko lang, napakabigat ng eksenang iyon. May moment pa nga doon na sobrang intense ng eksena na dire-diretso lang ang pagkuha ni direk, hindi siya nagka-cut. Magka-cut lang kami kapag ibang angle na. May moment na habang ginagawa ko ‘yung eksena na ito, nakalunok pa ako ng pawis ng kaeksena ko, so ayun merong ganun,” sey niya habang natatawa.
Patuloy pa niya, “Tapos meron pa diyan natusok ako ng karayom, tapos ‘nung morning, alam mo ‘yung pakiramdam na hindi ako makabangon sa higaan, as in parang feeling ko nag-work out ako maghapon tapos puro pasa ako.”
Baka Bet Mo: Barbie, David, Alden, Sanya chinika ang mga dapat abangan sa ‘Pulang Araw’
Ang hindi naman malimutan ni Alden ay ‘yung war scenes niya na lagi raw siyang binobomba at binabaril.
“Usually kasi, for safety purposes, kumukuha ng body double ‘yung set para just in case sa mga explosives or explosion scenes ‘yung double ‘yung gagawa. Pero I make it to a point na ako talaga ‘yung malapit sa explosives, so ang daming ganung moments,” paliwanag niya.
Sambit pa ng aktor, “And while doing those scenes, nakakadagdag siya sa adrenaline kasi hindi ka lang umaarte at ayan lang [sa tabi] ‘yung explosives tapos ako rin ‘yung nagpa-harness, ako rin ‘yung nagpatalsik. So that really adds to the experience in doing this.”
Aminado rin ang aktor na may time din na tila nato-trauma siya sa bigat ng mga ginagawa niyang eksena.
“Usually kasi on-off ako, hindi ako nagdadala ng character after certain taping day or shooting day. But for some reason, itong ‘Pulang Araw,’ paulit-ulit nagtanong ang isip ko sa dinanas ng ating kapwa-Pilipino. It’s very emotional, very disturbing and kahit inaarte lang namin siya, nararamdaman namin ‘yung trauma,” saad niya.
Esplika pa ni Alden, “It was something that I’ve never knew will experience by doing ‘Pulang Araw’ kasi at one point, meron tayong kababayan especially our lolos and lolas na dumaan doon. So I think, kaya rin siguro I consider this as one of the most important project for this year is because of the legacy that we will be telling the untold legacy of the Filipinos during World War II.”
May first time din daw si Barbie na ginawa para sa nasabing TV series, at ito ‘yung nag-aral pa siyang sumayaw ng tap dance.
“First time ko pong sasayaw ng tap dance. Kung hindi ako nagkakamali, parehas kami ni Sanya. Kaya minsan kapag nagre-rehearse kami kapag may music tapos magtitinginan kami…Pero ang saya ng experience!” masayang wika ng aktres.
Patuloy niya, “Sobrang lapit [din] sa puso ko si Sanya and we both experience something for the very first time na magagamit namin sa trabaho at sa karakter namin dito sa ‘Pulang Araw’ kaya very memorable din sa akin ang vaudeville at ang tap dance.”
Nabanggit din ni Barbie na hindi niya makakalimutang experience ay ‘yung ginawa niyang “kengkoy” scene.
“Yun ang literal na on and off [ng karakter]. Kasi halos buong araw namin kinunan ‘yung production number lang po na ‘yun tapos siyempre pagod…hangga’t nag-a-aksyon si direk, (pinakita ang kwelang facial reactions) ganun lang ako ng ganun. Ang ganda ng experience,” aniya pa.
Kaya naman mga ka-BANDERA, kung gusto niyang mapanood ang mga nabanggit ng ilang main cast, subaybayan niyo na ang kaabang-abang na show.
Magugunitang isa-isang ipinakilala sa presscon ang star-studded cast para sa bagong historical action-drama series na ipapalabas sa Netflix sa July 26.
Tampok din sa show sina Rochelle Pangilinan, Epi Quizon, Ashley Ortega, Angelu de Leon, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.