BarDa, Alden, Sanya chinika ang mga aabangan sa ‘Pulang Araw’

Barbie, David, Alden, Sanya chinika ang mga dapat abangan sa ‘Pulang Araw’

Pauline del Rosario - July 13, 2024 - 06:28 PM

Barbie, David, Alden, Sanya chinika ang mga dapat abangan sa ‘Pulang Araw’

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

KAABANG-ABANG ang bagong historical action-drama series na pagbibidahan nina Barbie Forteza, David Licauco, Alden Richards, at Sanya Lopez.

Noong July 9, isa ang BANDERA sa mga naimbitahan ng Netflix para sa promotion event ng upcoming series na “Pulang Araw.”

Star-studded ang event na ginanap sa The Peninsula Manila Hotel na bukod sa entertainment press ay dinaluhan din ng ilang celebrities, content creators at big bosses.

Bago magsimula ang press conference at advance screening, isa-isang tinawag at rumampa sa red carpet ang mga artista na gaganap sa serye.

Ipinakilala si Alden na bibida bilang si Eduardo dela Cruz at kapatid niya si Barbie as Adelina dela Cruz.

Baka Bet Mo: Alden apektado sa mga torture scene sa Pulang Araw; David kalma lang

Stepsister naman ng “Maria Clara” star si Sanya na gaganap bilang si Teresita at ang papel ni David ay isang Hapon na si Hiroshi Tanaka.

Bukod sa apat, nagningning din sa event ang ilan pang cast ng show na sina Rochelle Pangilinan, Epi Quizon, Ashley Ortega, Angelu de Leon, at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Unang naitanong sa apat na bida kung ano ang reaksyon nila nang i-offer ang “Pulang Araw,” lalo na’t ito ang first-ever partnership ng streaming service at GMA network.

Ayon kay David, una niyang nalaman ang proyekto habang ginagawa pa nila ni Barbie ang teleseryeng “Maria Clara at Ibarra.”

“Noong mga panahon na ‘yun, [nasabi] na nila sa akin na magkakaroon ng isang napakalaking proyekto na nakakapagbigay inspirasyon sa mga estudyante [at] Filipino…siyempre um-oo agad ako sapagkat ito ay napakagandang teleserye,” sey ng aktor.

Si Barbie naman, masayang-masaya: “Ibang klase po talaga ‘yung tuwa na naramdaman ko tapos ‘nung nalaman ko pa kung sino-sino ang mga makakasama ko, lalo akong natuwa at nasiyahan dahil lahat po sila ay malapit sa aking puso, lalo na ang aming direktor na si Direk Dominic Zapata.”

Sambit pa niya, “Kung ano ang kinabigat po ng storya namin ‘yun ang ikinagaan ng buong produksyon.”

Baka Bet Mo: Dennis handa na sa bardagulan nila ni Alden sa ‘Pulang Araw’: Exciting!

Ibinunyag naman ni Alden na ten years ago pa niya nalaman ang tungkol dito.

“Nakakatuwa na nakaka-proud na ang dami nang naging pagbabago sa istorya at sa unang araw pa lang ay hindi nila tinanggal ang aking pangalan sa kanilang isipan. Kaya nagpapasalamat ako sa homenetwork na sinama pa rin nila ang aking pangalan sa hanay ng mga artista na gaganap dito,” wika niya.

Chika pa niya, “’Nung nasilip namin ‘yung ilang scenes ng mga nauna namin, hindi kami makapaghintay na makita ng nakakarami kasi this is the most relevant and most important series of 2024.”

Para kay Sanya, “Unang-una po sa lahat talaga, sino ang hindi tatanggap sa ganitong kagandang proyekto? Wala…’Nung araw na binanggit sa akin ‘yung show na ‘to, naiiyak na po talaga ako…Wala pong aayaw at hihindi dito sa magandang proyekto na ‘to.”

At dahil malapit-lapit na nga ang showing ng upcoming series, ano-ano nga ba ang dapat asahan at abangan ng mga manonood at fans?

“Ang istoryang ito ay pagbabalik-tanaw na rin at pagbibigay respeto doon sa mga taong nakaranas ng hirap sa panahon na ‘yun na hanggang ngayon, sariwa pa rin sa kanila ang mga nangyari,” kwento ni Sanya.

Patuloy niya, “Ito ay para hindi ibalik sa kanila ang sakit, kundi ipalinaw sa ating mga bagong henerasyon ngayon kung gaano kahalaga ‘yung history, ‘yung World War II, kung sino ‘yung mga dapat bigyan ng respeto at kung bakit tayo dapat magpasalamat, kung bakit tayo may kalayaan.”

Sumang-ayon diyan si Alden at sinabing: “‘Yun ‘yung isa sa mga pinanghahawakan ko din. Magbalik-tanaw kung paano natin nakuha ang kalayaan na nararanasan natin ngayon.”

“So ito ‘yung show na magpapakita na hindi ganun kadali ang pinagdaanan ng ating mga kababayan, ng mga lolo at lola natin. While doing it, it makes me more proud of being a Filipino,” giit pa niya.

Dagdag naman ni Barbie, “Bukod sa pagpapakita natin ng masalimuot na gera, lahat ng hirap, siyempre kailangan giliwin din namin kayo sa mundo ng vaudeville. ‘Yun po ang isa sa mga malalaking storya po dito sa programang ito at malaki po talaga ang parte ng vaudeville na pagsasamahan po ng aking Teresita (Sanya) rito.”

“[Kumbaga] sa buhay, kahit anong kinakaharap mong gera o paghihirap, lahat ‘yun kakalimutan mo kasi the show must go on. ‘Yun po ang ibig sabihin ng vaudeville. Tayo po ay magbibigay-aliw sa gitna ng paghihirap ng mga Pilipino sa gitna ng pananakop ng hapon sa atin kaya abangan niyo rin po ninyo ‘yan,” kwento pa niya.

Nang tanungin naman kung ano-ano ang mga natutunan nila habang ginagawa ang TV series, ilan lamang sa mga binanggit nila ay ang pagiging resilient, pagiging pantay-pantay kahit ano man ang estado sa buhay at ang paglaban sa kung ano ang tama.

“Ang Pilipino talaga is very resilient regardless of what’s happening around them. Talagang sisikapin nilang mabuhay at masaya hanggang such time na hindi na talaga nila kaya…na I think natutunan ko,” pagbahagi ni Alden.

Lahad ni Sanya, “Kahit mayaman ka, may mararanasan kang hindi maganda. May mararanasan kang masaklap sa buhay mo…na panahon ng digmaan ay ito ang nararamdaman ng mga Pilipino na walang mayaman, walang mahirap lahat tayo pantay-pantay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paliwanag naman ni David, “Until now, meron pa ring mga human rights na hindi pa rin naisasatupad, so I think what you can learn from this teleserye is kung paano lumaban ang mga Pilipino noon na kailangan din nating gawin para sa ating human rights.”

Ang “Pulang Araw” ay nakatakdang ipalabas sa Netflix sa darating na July 26. 

Ito ay tatlong araw na mas maaga sa scheduled airing sa free TV sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending