Barbie, David, Alden, Dennis, Sanya magsasama sa ‘Pulang Araw’

Barbie, David, Alden, Dennis, Sanya magsasama-sama sa ‘Pulang Araw’

Pauline del Rosario - June 10, 2024 - 05:19 PM

Barbie, David, Alden, Dennis, Sanya magsasama-sama sa ‘Pulang Araw’

PHOTO: Courtesy of Netflix

MULING magsasama sa isang proyekto ang bigating mga bituin na sina Barbie Forteza, David Licauco, Alden Richards, Sanya Lopez, at Dennis Trillo!

Ito ang bagong historical action-drama series na “Pulang Araw.”

Ang exciting na balita ay ibinandera ng Netflix sa pamamagitan ng announcement video at key art poster.

“Grabe! Na-miss namin kayong makasama, besties!” sey ni Barbie sa posted video.

Hirit naman ni David, “Totoo ‘yan! Pero ‘wag kayong mag-aalala dahil ‘Pulang Araw’ is coming soon on Netflix.”

Baka Bet Mo: Alden humingi ng tulong sa lola bilang paghahanda sa ‘Pulang Araw’

Maliban sa lima, tampok din ang sina Angelu De Leon, Epy Quizon, Rochelle Pangilinan, Aidan Veneracion, at marami pang iba.

 Curious na ba kayo, mga ka-BANDERA readers kung tungkol saan ang bagong pelikula nila?

Narito ang synopsis ng magiging kwento ng bagong series: 

“‘Pulang Araw’ chronicles the lives of Eduardo (Alden), Teresita (Sanya), Adelina (Barbie), and Hiroshi (David) during the Japanese occupation of the Philippines. Find out how the characters navigate an intricate web of loyalty, betrayals, sacrifices, and resilience amidst the backdrop of a war ravaging the country.”

  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Pulang Araw” ay nakatakdang ipalabas sa nasabing video streaming service sa darating na July 26. 

Ito ay tatlong araw na mas maaga sa scheduled airing sa free TV sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending