Kim humugot: Tao pa rin ako na nasasaktan, pero kinakaya naman!

Kim humugot: Tao pa rin ako na nasasaktan, pero kinakaya naman!

Ervin Santiago - July 15, 2024 - 12:15 PM

Kim humugot: Tao pa rin ako na nasasaktan, pero kinakaya naman!

GRABE ang tilian ng mga taong nasa Atrium ng The Block sa SM North EDSA nang makita nila nang malapitan ang Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Nagkaroon kasi ng meet and greet ang “It’s Showtime” host para sa launching ng bago niyang ineendorsong beauty products na sinugod ng kanyang mga fans club.

Nakachikahan ng ilang piling members ng entertainment media si Kim kabilang na ang BANDERA, at isa sa mga naitanong sa kanya kung ano pa ang nagpapa-bloom sa kanya bukod skin-care products na ine-endorse niya.

“Grabe naman! Grabe naman! Ah, blooming ba?” sagot ni Kim na sinundan ng malakas na sigawan ng mga fans. “Face by Bloom, siyempre. At tapos na kasi akong mag-taping, and medyo light lang yung ginagawa ko lately.

“So I get to do things that I want. Gusto rin namang mag-taping at mag-shooting, pero nakakapagpahinga nang maayos. Nakakatulog. Maraming time for myself.

Baka Bet Mo: Paulo Avelino ‘minukbang’ si Kim Chiu: I hope she felt safe with me

“So I think hindi mukhang pagod saka haggard. Pero na-miss ko na ring maging puyat at maging haggard. Pero soon, soon,” natatawa pang chika ng rumored girlfriend ni Paulo Avelino.

Sundot na question sa dalaga, sino pa ba ang nagpapa-bloom sa kanya ngayon? “Grabe naman sa sino! Ha-hahaha! Siyempre kayong lahat, di ba? Lahat na nandito, lahat ng mga napapangiti ko, napapasaya ko. Kayo din ang dahilan kaya napapa-smile din ako.”

Pak na pak ngayon ang “EXpecially For You” ng “It’s Showtime” kaya naman natanong din si Kim kung ano ang maipapayo niya sa mga dating magdyowa na sumasalang sa naturang segment para maging blooming pa rin sila sa kabila ng heartbreaks.

Sagot ni Kim, “Just be happy. Kasi kapag happy ka sa loob, magiging happy ka din sa labas. Yun lang naman ang sikreto para maging masaya.”

Siya ba happy inside and out? “Oo naman, dapat lang. Dapat everyone happy, everybody happy, para fresh, blooming, ganu’n.”

Bukod sa pagkakaroon ng sensitive skin, ano pa raw ang sensitive sa kanya? “Grabe! Feelings ko ba? Ha-hahaha! Ahmmm, yun lang actually ang sensitive.

“Ha-hahaha! Makapal na naman yung mukha ko! Ha-hahaha! Saka ano, napagtibay naman siguro tayo ng panahon. So sensitive, siyempre, tao pa rin. Nasasaktan in a way, pero kinakaya naman,” aniya pa.

Samantala, mula July 11 hanggang 15, winelkam ng Face by Bloom ang mga customers sa isang interactive booth sa SM North Edsa, kung saan mas marami pa silang natutunan sa brand with matching special prizes.

At nito ngang July 13, may guest appearance si Kim para makasama niya ang kanyang fans sa booth. Nagpa-games din siya sa mga attendees, giving them the chance to receive freebies and vouchers if they won in a game against her.

“The first time I tried yung products, bago kami mag-pictorial, sinubukan ko muna siya sa face ko. Kasi gusto ko pag nilalagay ko siya, parang ipo-promote ko siya as how I experienced the product.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ako, sensitive yung skin ko, sobrang mabilis siyang ma-irritate. But with Face by Bloom, sobrang skin-friendly siya. And sa mga starters na kakasimula pa lang mag-skin-care routine, parang this is the best product na puwede nilang gamitin.

“And very easy steps lang, and konti lang yung kailangan nilang gawin in order for them to have a blooming face like me,” sey pa ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending