Anak ni Vina OK ang relasyon sa amang si Cedric Lee

Anak ni Vina OK ang relasyon sa amang si Cedric Lee, bumisita sa piitan

Pauline del Rosario - July 11, 2024 - 11:56 AM

Anak ni Vina OK ang relasyon sa amang si Cedric Lee, bumisita sa piitan

PHOTOS: Instagram/@vina_morales, from Bureau of Corrections

KAHIT nakakulong at nahaharap sa patong-patong na kaso ang negosyanteng si Cedric Lee, mukhang nananatili pa rin ang mabuting relasyon niya kay Ceana, ang anak nila ng dating misis na si Vina Morales.

Ito kasi ang naging update mismo ng veteran singer-actress matapos tanungin ng ilang netizens sa isang social media post.

Kamakailan lang, proud na ibinandera ni Vina sa Instagram ang latest achievement ng kanyang anak na napabilang sa “first honors” sa kanyang paaralan.

“I am a very proud mommy, and your dad is also proud of you,” sey ng aktres na kasalukuyang nasa Canada.

Mensahe pa niya kay Ceana, “I love you very much, anak. Can’t wait to go home.”

Baka Bet Mo: Vina Morales pangarap pa ring ikasal balang araw: In God’s perfect time

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

Bumuhos ang mga pagbati at “congratulatory” messages mula sa fans at ilang kapwa-artista, pero may mga Marites ang naging curious at na-bring up pa si Cedric.

Tanong ng isang netizen, “Eto po ba ‘yung anak ni Cedric Lee?”

“Yes po,” sagot ni Vina.

Anak ni Vina OK ang relasyon sa amang si Cedric Lee, bumisita sa piitan

PHOTO: Screengrab from Instagram/@vina_morales

May sumingit pa na isang IG user, “Yes. Cedric Lee is proud of his daughter. Not sure if his daughter is proud of him.”

Tila dumepensa naman ang batikang singer at ibinunyag na binisita na ng kanyang anak ang ama na nasa kulungan ngayon.

Hirit ng batikang singer, “Yes po. She visited her dad na.”

Anak ni Vina OK ang relasyon sa amang si Cedric Lee, bumisita sa piitan

PHOTO: Screengrab from Instagram/@vina_morales

Kasalukuyang nasa New Bilibid Prison si Cedric matapos mahatulan ng “guilty” ng Taguig Regional Trial Court sa kasong isinampa laban sa kanya ng TV host-actor na si Vhong Navarro.

Bukod sa dating mister ni Vina, kulong din ang model na si Deniece Cornejo at dalawa pang akusado na sina Ferdinand Guerrero and Simeon Palma Raz.

Ang apat ay sinentensyahan ng 40 years na pagkakakulong noong May 2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kasong serious illegal detention for ransom na isinampa sa kanila ni Vhong ay nag-ugat sa pambubugbog, paggapos, pananakot at pagditine sa kanya sa condo unit ni Deniece sa Taguig City noong January 2014.

Maaalala rin na nauna nang hinatulan ng guilty sina Cedric at Deniece para sa kasong grave coercion na isinampa rin ng aktor kaugnay pa rin sa naturang insidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending