Melai P100k ang gastos kada buwan para sa cancer ng ama

Melai gumagastos ng P100k kada buwan para sa prostate cancer ng ama

Ervin Santiago - July 10, 2024 - 12:16 PM

Melai gumagastos ng P100k kada buwan para sa prostate cancer ng ama

Jason Francisco, Melai Cantiveros at ang kanyang mga magulang

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa Panginoong Diyos dahil sa dami ng blessings na natatanggap niya.

Naibahagi ng komedyana na ang bahagi ng kanyang kinikita sa pagtatrabaho ay ginagamit niya para sa pagpapagamot sa kanyang mga magulang na may mga health condition.

Naniniwala si Melai na patuloy siyang bine-bless ni Lord para makapag-provide hindi lamang sa sarili niyang pamilya kundi pati na rin sa kanyang parents na may mga edad na rin.

Baka Bet Mo: Jake Cuenca may bonggang sorpresa sa ina, niregaluhan ng bagong kotse

“Blessing ko pa rin itong mga ibinigay sa akin, eh. Si mama nga isa na lang kidney. Nagkasakit kasi ang isang kidney kaya tinanggal na lang,” simulang pagbabahagi ng Kapamilya TV host sa interview ni Bernadette Sembrano para sa kanyang YouTube channel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Patuloy ni Melai, “Si Papa naman ay may cancer so prostate cancer ngayon. Thank you Lord kasi ang gamutan nasu-survive P100,000 every month. Nasu-survive dahil kay Lord na binigyan ako ng trabaho.”

Nahihiya nga raw sa kanya ang mga magulang dahil feeling ng mga ito ay nagiging pabigat na ito sa kanya, pero palagi niyang sinasabi na galing sa Panginoon ang lahat ng blessings na natatanggap nila.

“Ang parents ko naman hiyang-hiya. Sabi ko sa kanila, masaya tayo dahil binibigyan tayo ni Lord. Hindi naman ‘yan sa akin. Para rin yan sa inyo. Sumunod lang kayo sa gamutan para masaya ang mga anak niyo,” sabi ni Melai.

Baka Bet Mo: Zoren sa tambalang Cassy-JD: May chemistry sila, in fairness!

Samantala, napag-usapan din sa vlog ni Bernadette ang tungkol sa mga award na natatanggap ng “Pinoy Big Brother” host partikular na ang napanalunan niyang acting trophy sa Asia Artist Awards.

“Sino ba ang mag-iisip na mabigyan ako ng award, dahil sa award na ‘yun may endorsement na papasok. Thank you Lord, kasi siya lang talaga ang nagsu-sustain ng needs ng parents ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


“Kasi P100,000 eh, mapo-provide ko ba ‘yun eh may sarili na rin akong pamilya? Sino magbibigay nu’n? Ito si Lord grabe talagang hindi mo na talaga kailangan mamroblema, ganu’n na agad,” aniya pa.

Bukod sa “Magandang Buhay” at “PBB”, meron pa siyang Visayan talk show na “Kuan On One” na napapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN.

“Maraming mga Bisaya na grateful kasi kaming mga Bisaya, hindi maiwasan na mag-self pity kasi malayo kami sa central. Pero ngayon nung may ganito na show parang ‘let our voice be heard’ ganoon ang mga Bisaya, uy,” sabi ng komedyana.

“Tapos na-appreciate nila ang Kuan On One show at si Direk Lauren (Dyogi), sobrang na-appreciate nila ang ABS-CBN (dahil) nag-effort talaga gumawa ng show para sa mga taga-Visayas at Mindanao para ma-inspire sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lalo na ‘yung mga OFWs, sila talaga ang pinaka-happy talaga, para silang nakauwi sa Pilipinas para hindi na sila ma-sepanx sa kanilang family,” ani Melai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending