Shaina umamin kay Piolo: Wala kaming love angle, grabe kayo!

Shaina umamin tungkol kay Piolo: Wala kaming love angle, grabe kayo!

Ervin Santiago - July 09, 2024 - 06:00 AM

Shaina umamin tungkol kay Piolo: Wala kaming love angle, grabe kayo!

Shaina Magdayao at Piolo Pascual

ANO na nga ba talaga ang real score sa pagitan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayaomagdyowa na ba o talagang tropa-tropa lang?

Hanggang ngayon kasi ay nalalabuan at naguguluhan pa rin ang kanilang mga fans and supporters sa kung ano na ang status ng kanilang relationship.

Magkasama muli sina Piolo at Shaina sa Kapamilya series na “Pamilya Sagrado” at aminado naman ang aktres na palagi siyang excited kapag nakakatrabaho niya ang Ultimate Leading Man.

Baka Bet Mo: Shaina 2 buwan lang sana sa ‘Ang Probinsyano’ pero hindi na tinanggal ni Coco

Unang nagkasama ang dalawa sa ABS-CBN series na “Lobo”, “We worked together when I was 17 in ‘Lobo.’ Siya ‘yung first, siya ‘yung first love scene ko, siya ‘yung first kissing scene ko. So first ever mature role ko ‘yun.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao)


“When they pitched this project to me (Pamilya Sagrado), I’m like, seryoso ba? I know Piolo. I know his family.

“Pero, acting-wise, showbiz-wise, nag-mature din ako as an actress. Siya rin, mas nag-mature din siya as an actor. How are we going to work together, really?” aniya pa.

“But it would be very interesting siguro now na parang mag-ibang tao na kayo. Kasi from 17 years old to ilang taon na ako ngayon,” sey ni Shaina sa ulat ng ABS-CBN.

“I guess, ‘yung friendship namin nagkaroon ulit ng isang branch. Kasi, ‘di naman namin na-explore ‘yung showbiz side. But, now, we can say na parang, okay, medyo nakapagtrabaho na kami.

Baka Bet Mo: Kapatid ni Shaina sinagot kung totoong buntis ang kapatid; Vina ‘nagulat’ kay Piolo

“And, medyo makikilala nyo ulit ‘yung isa’t isa sa kung paano ‘yung disipline ng isa’t isa with the craft,” dagdag pa ng dalaga.

Sa tanong naman kung may “something” romantic na nga bang namamagitan sa kanila ni Piolo, “Nari-kindle, ano ba ‘yun? Parang wala namang nari-kindle na nangyayari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


“But, definitely may bagong…like what I said, may bagong side of him ang na, naded-iscover ko every bubble. And, I guess ako din.

“Like, this is the Shaina that he’s never really seen. Wala naman kaming love angle. Grabe kayo,” natatawang sey pa ni Shaina.

Patuloy pa niya, “I’ve known him since I was eight. ‘Marinella,’ nandun na siya,” Magdayao recalled. When asked about the possibility of a future together.

“People change, eh. So, I don’t know. Of course, he is a really good person. Like, grabe. Mabuting tao siya talaga. He has a very good soul.

“He’s a good, I know for a fact that he has a good brother, he has a good son, he has a good father, he has a good friend. Kahit sino sigurong babae would say, oo naman, ‘di ba? Life won’t be difficult with someone like him,” pag-amin ni Shaina.

“If, like, now, now, hindi ko siguro masasagot. Because, like, what I said, at this point in my life, parang hindi ‘yun ang naha-highlight sa akin ngayon. Parang we already know that at this point in our friendship.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No matter what happens, no matter in our lives or in our careers, we’re always gonna be there for each other. That’s what I can say,” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending