Utol ni Daniel na si JC ikinasal na, Karla magiging lola na

Utol ni Daniel na si JC ikinasal na kay Nathalia, Karla magiging lola na

Pauline del Rosario - July 08, 2024 - 11:37 AM

Utol ni Daniel na si JC ikinasal na kay Nathalia, Karla magiging lola na

PHOTOS: Screengrab from Instagram/@karlaestrada1121

ILANG araw matapos ibandera sa publiko ang engagement at pre-nuptial photos, ikinasal na ang kapatid ni Daniel Padilla na si JC sa kanyang non-showbiz partner na si Nathalia Valdivia.

Ang good news ay inanunsyo mismo ng kanilang ina at TV host-actress na si Karla Estrada sa serye ng Instagram post.

Proud na ipinakita ni Karla ang ilang moments sa naging civil wedding nina JC at Nathalia na ginanap sa San Juan City at pinangunahan ni Mayor Francis Zamora.

Caption ng veteran actress, “May the years ahead be filled with lasting joy, CONGRATULATIONS to a couple whose match made in heaven! [red heart emojis]”

Mensahe pa niya sa dalawa, “I love you both Nathalia & Carlito.”

Baka Bet Mo: Karla handang-handa nang maging lola sa magiging anak nina Daniel at Kathryn; nilinaw ang chikang ikinasal na sa non-showbiz dyowa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Kasunod niyan ay ang compilation ng mga litrato mula sa bonggang reception ng newly weds.

Wika ni Karla, “May you two never stop loving each other [red heart emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

At ang huling post, ibinunyag ng aktres na siya ay magiging lola na!

Kasabay kasi sa reception ang surprise gender reveal ng couple.

“ITS A BOY!!! Wooooooohoooo!!!” masayang sambit ni Karla sa kanyang IG.

Lahad niya, “Blessing after Blessing. Thank you Father GOD.”

Ani pa ng aktres, “You can call me mamita [butterfly emoji] We love you !!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Magugunitang nabanggit ni Nathalia sa kanyang prenup post ‘nung nakaraan na 10 years in the making ang engagement nila ni JC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging agaw-pansin din ang naging reaksyon ni Daniel nang ibinandera ng dalawa sa kani-kanilang IG pages ang prenup photos.

Unang naglagay ang aktor ng smiling face with tear emoji at sumunod ay ang komentong: “Waaaaah sh*t [black heart emojis]”

At ang huli ay ang tila panunukso niya kay JC na ang sabi: “Danda shmayl (ganda smile) jc ahhhhh.”

Si JC ay anak ni Karla sa bokalista ng Orient Pearl na si Naldy Padilla, ang pinsan ng ama ni Daniel na si Rommel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending