Vice, Ion hindi nag-aaway: Pinipili na lang ikasasakit ng ulo mo!

Vice, Ion hindi nag-aaway: Pinipili na lang ikasasakit ng ulo mo!

Ervin Santiago - July 04, 2024 - 12:25 AM

Vice, Ion hindi nag-aaway: Pinipili na lang 'yung ikasasakit ng ulo mo!

Vice Ganda at Ion Perez

MAY bonggang rebelasyon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda tungkol sa pagsasama nila ni Ion Perez bilang mag-asawa.

Knows n’yo ba na hindi pala nag-aaway ang mag-partner at never naging issue sa kanilang ang trust at selosan kaya naman smooth na smooth ang kanilang relationship.

Sa nakaraang episode ng “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN at GMA 7, napag-usapan ang tungkol sa madalas na pinag-aawayan ng mga magdyowa.

Baka Bet Mo: Alden maraming nadiskubre kay Julia: Kapag kasama ko siya it feels like I can be my raw self, may ganu’n siyang vibe’

Nagkuwento ang searcher na si Joel tungkol sa madalas nilang pinag-aawayan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Jen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Pagbabahagi ng girl, may pagkakataon daw na nagkaroon sila ng away ng dati niyang boyfriend dahil sa kagustuhan niyang pumunta sa debut ng kaibigan pero ayaw siyang payagan.

Baka Bet Mo: Seth Fedelin may promise sa madlang pipol; nagse-share na ng secrets kay Andrea

“Nag-start po kasi siya kasagsagan po ng debut ng mga friends ko ganu’n. Tapos po nagpaalam po ako sa kanya kung puwede ako pumunta dun sa debut na ‘yun.

“So siya, siyempre po alam ko naman po ayaw niya. Pero, pinilit ko pa rin pumunta, tapos gumawa pa po ako ng away ganu’n po. Para lang makapunta doon,” pag-amin ni Jen.

Bigla namang humirit si Vice at nagsabing may ganu’n ngang eksena sa mga magdyowa na talagang gumagawa lang ng away para hindi na kailangan magpaalam sa kanilang partner.

Guilty daw ang isa pang host ng programa na si Jhong Hilario sa ganitong style pero dati pa raw yun.

“Hindi ko itinatanggi yan. Minsan nakakagawa tayo ng ganun dahil gustong-gusto natin makapunta du’n sa okasyon na yun. Pero may mga consequences siya mga ganiyan ‘di ba,” sey ng TV host-actor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Dagdag pa niya, “Maaaring maging katapusan ng relasyon yun or maaaring maayos.”

Tinanong naman ni Jhong si Vice, “Ikaw ba, nakagawa ka na rin ng ganu’n? Nag-excuse ka, nang-away?

“Sa mga past. Hindi kasi kami nag-aaway ni Ion. Wala kaming ganu’n. At saka kami yung, ‘labas ka!’” sagot ni Vice Ganda.

“Minsan kami pa yung ‘labas ka mag-enjoy ka’. ‘Hindi ka nababagot dito?’ ‘Yung ganu’n.

“E kasi, ang tanda ko na, ang tanda na rin namin. At tsaka kapag matanda ka na, pinipili mo na lang ‘yung ikasasakit ng ulo mo at pinag-aawayan n’yong magdyowa.

“Hindi na ‘yung mga petty. Du’n na tayo sa malaking issue,” paliwanag pa ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nagkaroon ng wedding commitment ceremony sina Vice at Ion noong 2021 sa The Little Vegas Chapel sa Nevada, USA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending