Boy Dila na nambasa ng ridawer nag-sorry, pinagbabantaan daw

Boy Dila na nambasa ng rider nag-sorry; pinagbabantaan ang buhay

Ervin Santiago - July 02, 2024 - 10:30 PM

Boy Dila sa viral Whatta Whatta Fest nag-sorry, pinagbabataan ang buhay

‘Boy Dila’ at Francis Zamora

NAG-SORRY na ang viral na lalaking binansagang “Boy Dila” na umani ng batikos dahil sa ginawa niyang perwisyo sa ilang motorista sa Wattah! Wattah! Festival sa San Juan City.

Ihinarap ni San Juan City Mayor Francis Zamora ngayong araw, July 2, sa isang presscon si “Boy Dila” o Lexter Castro sa tunay na buhay, na “namaril” ng isang motorcycle rider sa pamamagitan ng water gun habang nakadila.

Sa naturang presscon, inamin ni Zamora na kahit siya ay na-bad trip sa ginawa ni Castro dahil sa kahihiyang idinulot niya sa mga San Juaneños at sa kanilang siyudad.

“Muli ako po ay humihingi ng pasensiya at paumanhin sa lahat po ng naapektuhan o nabiktima ng iilang mamamayan po namin nang dahil po sa aming kapistahan.

Baka Bet Mo: Payo ni Cristy Fermin kay Pokwang: ‘Sana nagagarteran niya ang dila niya… mukha yatang lumalabis siya sa kailangan’

“At isa nga po sa talagang pinanggagalingan ng galit ng napakaraming tao na ako mismo talaga ay nagalit din ay ito nga pong si Lexter.

“Sapagkat ‘yung mga videos po na kumakalat na kung saan ay binabaril niya ng water gun ‘yung isang nagmomotor at nilalabas niya ang kaniyang dila.

“Ito po ay sa kasamaang palad ang naging mukha ng ating Wattah! Wattah! Festival sa taong ito,” pahayag ng alkalde.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito, nag-public apology nga si Boy Dila, “Unang-una po nagpapasensiya po ako sa aming mayor sa nagawa ko po. Dahil po sa akin nasira po ang imahe ng San Juan.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin binanatan si Ricci Rivero: Dapat may garter ang dila

“Sa lahat, humihingi po ako ng paumanhin sa inyo sa mga nasabi ko po sa inyo lalung-lalo na po sa rider, humihingi po ako ng tawad sa inyo at gusto ko po kayong makita ng personal. Gusto ko pong humingi sa inyo ng paumahin po,” ani Castro.

Patuloy niya, “Sa mga nagbabanta po sa akin, hindi ko na rin po maisip, nai-stress na rin po ako.

“Kung anu-ano na lang din po lumalabas na pagbabanta sa akin lalung-lalo na po sa pamilya ko. Huwag naman po sana nilang idamay (ang pamilya ko).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung may galit po sila sa akin, ako na lang po ang anuhin nila dahil masakit din po sa akin kasi nadadamay ‘yung pamilya ko,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending