Gelli, Ariel super proud sa biko business ng 2 anak sa Canada
PROUD na proud ang aktres at TV host na si Gelli de Belen sa mga binatang anak nila ni Ariel Rivera na sina Joaquin at Julio Rivera.
Kamakailan ay nagtungo si Ariel sa Canada para sa ilang commitments and projects at isasabay na rin niya rito ang pagdalaw sa kanilang mga anak na patuloy na nag-aaral doon.
“My kids are good. Ariel just left the other day for Canada. He has a series of shows there.
“Pero siyempre, basically, he will also visits our kids. I’ll be there soon,” ang kuwento ni Gelli sa presscon ng public service show na “Si Manoy Ang Ninong Ko Season 2” na napapanood sa GMA 7.
Baka Bet Mo: Gelli, Ariel never pang nag-away sa 25 years na pagsasama bilang mag-asawa: ‘Hindi pa kami nagdabugan at nagmurahan’
“Almost every day kaming magka-chat. They are good. They started again opening their business. Kapag summer kasi mayroon silang business, yung biko bubuksan nila ulit,” masayang kuwento ng aktres.
Tungkol naman sa pag-aaral ng mga anak nila ni Ariel sa Canada, “They are good. Yung isa nagma-masters, yung isa naman nagsa-summer din, nagtatapos pa ng kanyang course.”
View this post on Instagram
Wala pa raw next acting project si Gelli na huling napanood sa ABS-CBN series na “Too Good 2 Be True” na pinagbidahan nina KathrynBernardo at Daniel Padilla.
Mag-focus daw muna siya sa “Si Manoy Ang Ninong Ko” para mas marami pa silang matulungan.
Samantala, nang matanong naman kung ano ang masasabi niya sa pagbongga ng showbiz career ng pamangkin niyang si Kaila Estrada na anak ng sisteraka niyang si Janice de Belen.
“Siyempre, I’m very proud of my pamangkin, I’m very happy for her. I know that she has a good head on her shoulders and I know that she’s very, very talented.
“I hope that all the blessings that come her way will continue and that she will always be grateful,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.