Marian ramdam si Gabby: Nagre-reflect yung tatay ko sa kanya

Marian feel na feel si Gabby: Nagre-reflect yung tatay ko sa kanya

Ervin Santiago - June 30, 2024 - 08:25 AM

Marian feel na feel si Gabby: Nagre-reflect yung tatay ko sa kanya

Marian Rivera, Gabby Concepcion at Raphael Landicho

TATAY na tatay ang peg ni Gabby Concepcion kapag nasa taping ng katatapos lamang na teleserye ng GMA 7 na “My Guardian Alien.”

Ganyan inilarawan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang seasoned actor bilang leading man at co-star si Gabby sa kanyang comeback TV series na nagtapos na nga last Friday.

Natanong ang wifey ni Dingdong Dantes sa online entertainment show na “Marites University” kung kumusta katrabaho as screen partner si Gabby.

“Alam mo, si Kuya Gabby, very professional to the point na kapag kaeksena mo siya, sabi ko nga, nagre-reflect ‘yung tatay ko sa kanya,” pahayag ni Marian.

Baka Bet Mo: Ending ng ‘My Guardian Alien’ ni Marian may pasabog; Regine mapanakit

Dagdag chika pa ng Kapuso star, nakikita raw niya ang kanyang leading man bilang tatay lalo na kapag nagtsitsikahan sila about family dahil nga pareho na silang mga magulang ngayon.

Sey ni Marian, “Sa kabila ng lahat ng nangyayari, parang nandu’n pa rin talaga siya na parang family pa rin talaga ‘yung gusto niya at priority niya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby)


Pinupuri rin ng buong production ang kabaitan at pagiging generous ni Marian dahil parang laging may fiesta sa taping sa dami ng food.

Baka Bet Mo: Marian pinatunayang siya pa rin ang Primetime Queen; Firefly may libro na

“Parang gusto ko kasi lahat happy, lahat masaya, lahat busog, kasi mahilig akong kumain e, so gusto ko lahat din. Hindi pwede, kasi puyat na nga kami tapos hindi pa kami kakain,” sey ni Marian.

Sa tanong kung gagawa agad siya ng bagong teleserye after ng “My Guardian Alien, “Kakatapos lang, okay na muna ‘yun.”

Balak niyang magpahinga muna ng isang taon bago uli gumawa ng TV series dahil pagkatapos ng “Rewind” last year sa Metro Manila Film Festival ay ipalalabas na rin ang Cinemalaya entry niyang “Balota.”

“Kasi nu’ng Pasko, parang 24 lang namin nakasama ‘yung kids kasi pagdating ng 25, nag-ikot kami ng mga sinehan, 26, 27, 28, 29, maghihiwalay na lang ‘yung taon, nasa sinehan pa kami,” ani Marian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero aniya “worth it naman” ang lahat ng pagod at sakripisyo nila ni Dingdong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending