Ruffa humiling ng dasal para sa sister-in-law na may leukemia
HUMILING ng dasal ang actress-TV host na si Ruffa Gutierrez para sa kanyang sister-in-law na si Alexa Uichico, na patuloy na nakikipaglaban sa leukemia.
Si Alexa ay asawa ng kapatid ni Ruffa na si Elvis Gutierrez, na ilang buwan na ngayong sumasailalim sa medical treatment.
“She’s battling leukemia, just continue to pray for her. She’s actually struggling right now, I don’t want to talk about it because I might cry,” ang emosyonal na pahayag ni Ruffa sa panayam ng media sa isang event.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra 17 years nang lumalaban sa depresyon: Sa totoo lang, minsan nakakapagod din, pero…
Ibinahagi rin ng aktres ang pinagdaraanang hirap at sakripisyo ng nakababata niyang kapatid, “Elvis is also having a hard time because they’ve been in and out of the hospital since January so pagdasal po natin sila.”
View this post on Instagram
“We really need your prayers kasi the treatment that she needs, wala dito sa Pilipinas, so I don’t know if she’s able to fly out or not so yun ang tinitingnan namin,” pahayag pa ni Ruffa.
Samantala, nang tanungin naman tungkol sa kanyang mga anak na sina Lorin at Venice Bektas, muling napangiti si Ruffa at sinabing super proud siya sa dalawang dalaga.
“Actually, when I see my kids, I feel blessed because pinalaki ko pala ‘tong dalawang ‘to and I would always hear good reviews whenever they meet friends, whenever they have interviews.
Baka Bet Mo: Ka Tunying naniniwalang magaling na ang anak na may leukemia: Siya ang pinakadakilang Manggagamot!
“I think it’s also me raising them to be the best that they can be. Alam ko they’re very articulate, they’re very expressive when it comes to talking so para sakin, I just said don’t be so woke.
“Wag kayo masyadong woke na maninira kayo ng ibang tao. Always [be] positive, always [be] pleasant, and I’m very thankful that they listen,” pahayag ni Ruffa.
View this post on Instagram
Pagbabahagi pa niya sa mga kaganapan sa buhay nilang mag-iina, “I’m dropping the kids off to university. For Lorin it’s her last year. Si Venice it’s her first year so in August I’m sending them to the States. By December nandito na ulit sila.
“I wanna slow down, I really wanna spend time with my parents because they’re not getting any younger.
“And it’s a privilege for me to be able to spend time with them kasi syempre our parents are also getting old. I think every moment that I have, that I’m free, I want to spend it with my family,” ang pagse-share pa ni Ruffa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.